The Start

108 7 0
                                    

Time: A year before

"Oh, c'mon Knight. Please huwag mo naman akong pagbawalan. Hindi naman ganun kalayo yun eh." nakakabinging sigaw ng isang dalaga. Nasa sasakyan sila at kasalukuyang pinagtatalunan ng magkasintahan ang pagpunta ng dalaga sa isang bridal shower ngunit hindi siya pinapayagan ng binata.

"Jeez, Light!! Pwede ba?! Malakas ang ulan ngayon sa pupuntahan mo! Paano kung may mangyari sayo?! I'm damn concerned for you, okay?" sigaw ng binata. Nasa highway ang magkasintahan at papunta sa bahay ng dalaga.

"R-really? Eh lagi mo naman akong pinagbabawalan eh! S-sa totoo lang nasasakal na ko eh! I-i think you don't want me to be happy, r-right?" naiiyak na sambit ng dalaga. Agad napalingon ang binata nang marinig niya ang hikbi nito. Hinawakan niya ang pisngi ng dalaga at marahang pinunasan ang luha nito. "Sshh, no. It's not what you think. I love you,okay? And I'll be damned if your not happy. I'm just worried for you." sambit ng binata ngunit iba ang naiisip ng dalaga.
"I-i can't t-take this anymore. I-i want a break-up."
Napapapikit ng mariin ang binata at huminga ng malalim. Hindi niya maisip na sasabihin ito ng dalaga. Inihinto niya muna ang sasakyan at lumabas upang makahinga ng maluwang. Mahal niya ang dalaga kaya't kahit ganun ang ugali niya ay iniintindi niya na lang ito. Papunta na dapat sila sa bahay ng dalaga upang maipakilala siya sa magulang. Kahit sa mura nilang edad ay gusto na nilang maging legal ang relasyon sa mata ng magulang.

*BEEEPPPP

Napalingon ang binata nang marinig niya ang isang malakas na busina. Isang truck na mukang nawawalan ng preno ang papunta sa direksyon nila.

"Knight!"

Nun lamang napagtanto ng binata na nasa loob ng sasakyan ang kanyang minamahal. Dali-dali siyang lumapit dito at sinubukang buksan ang pinto ngunit ayaw nito mabuksan. Kinapa niya ang susi sa bulsa ngunit wala. Sinubukan niyang sabihin sa dalaga na buksan ang pinto ngunit natataranta na rin siya sa paparating na truck.

"Open up! F-ck this! Sh-t Light!"

Sobrang bilis ng pangyayari. Kasabay ng pagsuntok ng binata sa sasakyan ay ang pagbunggo ng truck sa kanila kaya't tumalsik ang katawan ng binata.

Malakas ang pagkakabagsak ng binata ngunit pinilit nixa pa ring buksan ang mata. "L-light" mahina nitong sambit. Pinilit niyang tumayo kahit duguan na ang kanyang katawan at umiikot na ang kanyang paningin. Gusto niyang hagkan ang minamahal at ilabas sa nakabaliktad nilang kotse. Gusto niyang ilayo ang dalaga sa aksidenteng ito. Tumayo siya ng buong lakas at pilit lumakad papalapit sa kotse. Ang tanging nasa isip niya ay ang minamahal.

Ngunit siya'y nahuli. Napatigil na lamang siya ng makita ng dalawa niyang mata ang sumabog na sasakyan. Bumagsak sia at napahiga dala ng sakit sa sugat at ng nakita. Umiikot na ang kanyang paningin at bago pa man tuluyan mawalan ng malay ay narinig niya ang paparating na mga pulis at ambulansya at nasambit ang pangalan ng minamahal.

"L-light"

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now