Chapter F: The Sando

29 1 0
                                    


Brace's POV

"Kasalukuyan po ay nagpeperform ang Questic Zero. At grabe talaga! Napakagaling nila! Halos magiba na tong dome sa lakas ng sigawan ng kanilang mga tagahanga. Ang unang kanta nila ay Radioactive at maganda nga ang chemistry ng boses ng ating new recruit na si Ms.Dawn at ang ating Zerobaby! Atin pong panuorin ang kanilang performance."

Nakatingin lang ako sa muka ni Honeybunch habang nagpeperform sila. Miss na miss ko na siya. Walang oras na hindi ko siya naiisip. Kailan kaya ulit kami magkikita?

*phone rings*

Kinapa ko ang phone ko sa bulsa.

Ken calling...

Oh, tagal din nitong hindi nagparamdam ah. Anong kayang kailangan nito?

"Hello?"

"Bro! What's up?!"

"Anong kailangan mo?"

"Grabe dude. Dama ko ang pagmamahal mo!"

"Gag-o! Bakit ka ba napatawag?"

"Pilitin mo muna ako..."

"Pakyu bro! Wala akong oras sa kalokohan mo!"

"Okay, okay. Chill man. Pupunta kami ni Koby sa Death Note City--

"ANO?! Bakit ngayon niyo lang sinabi?! Asan na kayo? Hintayin niyo ko!"

"Actually andito na kami."

"Langya ka dude!"

"Hahahaha! Chill man. Papunta kami dyan sa condo mo.Para ka kasing grade 1 na kailangan may sundo pa."

"Gag-o!"

*toot too toot*

Agad kong inend ang call at sing bilis ni Flash na tumakbo ako sa kwarto para magbihis. Damn, sabik na sabik na akong makita si Honeybunch!

*****

"Wazzup mah' men!"

Napairap ako sa sinabi ni Ken nang pagbuksan ko sila ng pinto. Lakas maka-accent nito. Pinalo ko lang siya sa noo.

"Oww...grabe Brace! Mahal na mahal mo talaga ako!" sabi niya habang hinihimas ang noo niya.

"Tsk. Enough, tara na. Hinihintay kami dun ng mga chikababes namin. Lezz go bros'!" sigaw ni Koby at sumunod na kami sa kanya. Ano bang nangyari sa dalawang to? Lakas maka-accent. Di naman bagay, nagmumuka lang silang dayo galing Mars. Tsk,tsk.

Isa-isa kaming sumakay sa sports car namin at sunod-sunod na umalis. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Sa pagkakaalam ko, medyo malayo-layo pa ang byahe.

*kring*kring*

Charlene calling...

Sinalpak ko muna ang earphones ko bago sagutin ang tawag ni Charlene.

"Kuya!"

"Napatawag ka Charlene?"

"I heard from Kuya Ken that you are going to Death Note City."

Tsk, napakadaldal talaga ng Ken na yan. Kilala ni Charlene ang kambal dahil na-meet na namin sila noon sa isang movie screening nila sa Japan. Balaka pa ngang ligawan ni Koby si Charlene noon eh. Pero syempre hindi ko pinayagan. Aba, bata pa si Charlene no. Mga 15 pa lang ata siya noon.

"Yeah, why?"

"Yaaaahhh! Kuya please please please! Get me an autograph from Zerobaby! Please please please!"

Falling for the Heartbreak SuperstarWhere stories live. Discover now