[28]

99 11 8
                                    

Chimmin's POV

"Pwede na pong i-discharge si Mr Kim jinhwan By next week, Konting pahinga nalang po ang kailangan niya" Sabi ng doctor, nagpasalamat nalang ako at sinamahan siya hanggang makalabas ng kwarto.

Tinignan ko si jinhwan at umupo sa upuan na katabi ng kama.

Tulog siya ngayon, At Sa maniwala kayo o hindi, Pogi pa rin hehe.

Naawa na ako, Ang dami niyang pasa, Walang awa talaga yung bumugbog sakaniya. Sana karmahin yung pesteng yon!

Hinawakan ko ang kamay ni jinhwan pero agad din naman niyang binawi, Napatingin ako sakaniya, Minulat na niya ang mata niya at kinusot iyon, Napangiti naman ako.

Napatingin siya sakin "Chim... Chimmin!" Sinunggaban niya ako ng yakap tsaka siya ngumiti.

Pakshet tong taong to, Namiss ko to huhu.

Matagal kaming magkayakap, Walang salita salita, Minsan pa nga sinisiksik niya ang mukha niya sa leeg ko kaya nakikiliti ako.

Humiwalay ako sa yakap kasi nagbukas ang pinto ng kwarto.

"Oy ano yan!" Sita samin ni leonille, Kasama niya pa ang boyfriend niya.

"Ganda pala talaga ng Girlfriend mo, Jinhwan" Naflattered naman ako sa sinabi ni taemin, Tas eto namang si jinhwan sinamaan ng tingin si taemin.

Laah! Alam kong maganda ako, Wag niya namang ipamukha hehe.

"Matagal na" Sagot ko, hinawakan ko yung kamay ni jinhwan.

"//nasamid Oo maganda! GANDA GRABE!" Hala pinagsigawan pa nitong si Leonille.

"Mas maganda nga lang si leonille" Sagot ni Taemin kaya nahampas siya ni leonille.

"Tigilan mo ko" Pagbabanta ni leonille kaya tumigil na nga, Tumingin sakin si leonille. "By the way, May dala kami! Alam naming dadating tong si Oh-so-called-magandang-girlfriend ni jinhwan e" Nilapag ni Taemin ang dala niya, Nagthank you nalang ako, Umupo si leonille sa isang sulok at naglaro nalang ng Cellphone. Sinundan naman siya ni Taemin, Pinagtabuyan siya ni leonille.

Ang Kulit ng dalawang to. Pano kaya kung ganyan din kami ni jinhwan noh?

Yung walang gulo.

Bigla akong hinila ni jinhwan at niyakap nanaman ng mahigpit.

"Kiss mo nga ako, Namiss talaga kita e" Bulong sakin ni jinhwan kaya mahina ko siyang hinampas.

Kumalas ako sa yakap at tinignan siya"Sa bahay na" Pangasar ko, napapout naman siya at nagcross arms.

"Bahala ka diyan, Pag di mo ko kiniss, Magbabalat ka ng Prutas" Kumuha naman ako ng Apple at kutsilyo bilang pangasar sakaniya.

Nilakihan niya naman ako ng mata "Sinusubukan mo talaga ako no?" Tumango naman ako at tumawa.

"Hmmpft! Di tayo magtatabi matulog pag nakauwi na tayo" Panghahamon niya nanaman.

Tumango ulit ako at nagsimula nang Magbalat ng prutas.

"Ganun ah?" Nanliit ang mata niya "Papatayin ko sarili ko" napangisi naman ako at hindi nalang pinansin ang sinabi niya at tinuloy nalang ang pagbabalat.

"Pahingi na kasi ng kiss!" Ayan nagagalit na hahahaha sarap talagang asarin ng taong to.

Hindi ko siya pinansin, Balat pa rin ako ng balat ng prutas.

Nagpapadyak naman siya ng paa, Tinanong siya ni Leonille kung ano nanamang problema nito.

"Ayaw kasi mamigay ni Chimmin" Pagmamaktol ni jinhwan, Inabutan ko siya ng apple. "Eto na!"

"Hindi naman yan hinihingi ko e"

"Bahala kayo diyan" Inis na sabi ni Leonille at tinuloy nalang pagheheadset.

Tinignan ako ng masama ni jinhwan, Nag-lungkut-lungkutan naman ako kasi di niya tinanggap ang apple na binibigay ko.

Hmmpft, Manigas ka diyan kim jinhwan :P

Hahha ang childish namin -.- Mabigyan na nga ng kiss.

"Jinhwan may bubulong ako sayo" Tinignan niya ako ng masama pero nilapit niya ang mukha niya sakin.

Kiniss ko siya sa pisnge , Hinila niya ako at hinalikan na talaga sa Labi...... Sabay yakap.

Torid pa yun 〒▽〒

Oy baka sabihin niyo na nagustuhan ko?! Hindi no!

"Yeheyyy" Eto namang isang to, Tuwang tuwa.

Oo na nagustuhan ko na~~~

"Magnanakaw" Kumalas ako sa yakap at ako nalang ang kumain ng apple.

Tsk! Namiss ko tong pagkachildish niya! Bwiset talaga 'tong taong to.

"Pakagat nga ako" Inabutan ko siya ng apple kahit sabi niya kanina
HINDI.IYON.ANG.HINIHINGI.NIYA.

"Chimmin" Tawag niya kaya tinignan ko siya.

"Magpaliwanag ka, May nangyari ba sainyo nung jimin hah?!"

"Ikaw ang magpaliwanag, Bakit bigla bigla ka nalang sinusugod sa hospital hah?! Alam mo bang Dinoble ko pa ang bayad sa taxi tapos madadatnan kong nilipat ka ng hospital?!"

"......"

"Ano?!"

Ngumisi siya at nagcross-arms.

Pinanliitan niya ako ng mata "Bakit doble bayad mo sa taxi?" Ngumisi siya.

Ugh! Bahala ka talaga sa buhay mo kim jinhwan.

"Ganun ka ba talagang... Ka-atat sakin?" Nakangisi niyang tanong, Inirapan ko nalang.

Kung wala lang talaga diyan sa kamang iyan, Nasapak ko na e.

"Wag kang magalala, Ayos na ako" Ngumiti siya kaya nawala naman agad ang inis ko.

"Ewan, Magpagaling ka ah? Ako mismo papatay sayo"

"Papatayin... Sa kilig?"

Tigilan mo ko kim jinhwan.

"Kung yun ang gusto mo e!"

------

Chimmin sa MM

Sorry kung once a month nalang ako naguud hahaha.

Thank you padin sa pagbabasa :)

Jiminside

Jinhwan's Life [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon