[30]

46 6 5
                                    

Chimmin's POV

Tumayo ako sa set nung narinig kong nagbukas na ang Pinto.

Gusto kong magalit sakaniya, Gustong gusto ko na siyang sigawan sa oras na ito. Lagi nalang siyang ganyan, Gabi na umuuwi.

Lagi niyang sinasabi saking Naghahanap siya ng trabaho. Pero hindi iyon ang nararamdaman ko.

Pakiramdam ko may pinagkakaabalahan siyang bagay.

Di ko muna siya tinanong kung saan siya nagpunta kahit kating kati na ako itanong sakaniya. Ayokong magaway nanaman kami.

"Kumain ka na?" Yan nalang ang lumabas sa bibig ko. Humarap siya sakin.

Napapikit lang siya at umiwas lang din ng tingin.

"Hindi ako nagugutom" Pagkasabi niya nun, Dumaretso na siya sa Kwarto.

Hindi to pwede, Malakas na talaga ang kutob ko na may tinatago siya.

Ayokong maghinala kasi hindi pa nakikita ng dalawa kong mata. Pero ganun naman talaga ang mga babae diba, Malakas ang Panghihinala.

Sinundan ko siya sa kwarto.

"May Problema ba Jinhwan?" Lakas loob kong tanong. Hindi ko 'to tinatanong para magaway kami. Hindi naman masamang magtanong diba.

Nung nakaraang Dalawang Linggo lang, Ang sweet sweet niya. Tas ngayon. Anong nangyari ngayon? Anong pakulo nanaman ba to jinhwan?

"Walang Problema, Pagod lang ako. Pagpahingahin mo muna ako kahit ngayon lang" Mas lakong kumulo ang dugo ko.

Lagi niya nalang sinasabing Napapagod na siya! Bakit? Ako ba hindi napapagod sa inaasta niya? Kahit napapagod na ako, Hindi ko iniinda. Hindi ako nagrereklamo ko, Kasi alam kong maayos din 'to. Magiging maayos din ang lahat.

"LAGI KA NALANG PAGOD! Hindi na kita maintindihan, Ano nanaman ba to!!" Napatakip ako sa bibig ko nung nasigawan ko siya. Pero mas nagulat ako sa sagot niya.

"IKAW YUNG PROBLEMA! Hindi mo ba naiintindihan yon!" Gusto ko nang mapaluha pero Pinigilan ko. Dala lang yon ng pagod.

"Sabihin mo ang Problema mo sakin Jinhwan, Para naman maintindihan ko d-diba?" Mahina kong sabi ng di nakatingin sakaniya.

Ayokong makita yung galit sa mukha niya. Hindi naman kasi totoong galit yon, Hindi totoo. Magiging ayos din ang lahat.

"Pinapabigat mo lalo ang buhay ko! Ni hindi mo pinaramdam saking mahal mo ko! Nagsasakripisyo ako dito pero ikaw! PURA KA PASARAP!" Napalunok ako at hinigpitan ang hawak sa damit ko.

Araw araw kong Pinaparamdam na mahal ko siya. This Days, Hindi ko alam kung paano ko ipapakita iyon sakaniya because He's Treating me Cold.

"N--naiintindihan ko. . . Aalis na ako sa buhay mo" Nanakbo agad ako sa Cabinet at Kinuha ang gamit ko.

Hindi ako naiiyak! HINDE!
MADALI LANG NAMAN AKONG KAUSAP E.
AYOKO LANG TALAGA SA LAHAT NUNG NAGUGULUHAN AKO.

Matagal ko nang alam pinapabigat ko lang ang buhay niya... Pero ni minsan ba inisip niya na nahihirapan na din ako? Pinili kong sumama sakaniya at iwan ang Totoo kong Buhay. Yung Buhay na kung saan andyan ang ate ko. Yung buhay na Nasa Bar lang ako lagi kasama ang kaibigan ko at nagpapakasaya. Tinalikuran ko lahat yon at nagbago para sakaniya. Akala ko Understood na yon. Ayoko kasing iparamdam sakaniya na Hindi siya nagiisa, Na kahit mamatay siya sa mga oras na 'to. Nandito ako para sakaniya, Hinding hindi ko siya iiwan dahil ako nalang ang kakampi niya sa buhay. Na Hindi ako katulad ng ate ko na iiwan lang siya. Lagi lagi ko yun pinaparamdam sakaniya. Na kahit Pagod na din ako sa loob ko, Tinitiis ko. Sa huli, Iiwan niya lang din pala ako.

Jinhwan's Life [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon