Chimmin's POV
"Ano?! Kaya ka nagiipon dahil dun?! Leche ka kasi eh" Sigaw ko sakaniya.
"Sorry na, Dapat di ko nalang sinabi, Alam ko namang papagalitan mo lang ako eh" Pagsisi niya.
Huminga lang ako ng malalim at niyakap siya.
"Umayos ka kase" Sambit ko at pumikit.
"Napipilitan ka lang noh?"
"Jinhwan"
"Hindi na, Wag mo na akong papagalitan ah?" Sambit niya at Niyakap rin ako.
Nagiipon daw siya kasi marami daw siyang utang sa mga babae niya.
Nakakayamot diba.
Akala ko pa naman nagiipon siya sa kasal namin. Di naman masang mangarap
"chimchim may nalaman ako" Sambit niya kaya napatingin ako sakaniya.
Gabi na at nandito kami sa Veranda niya.
Ano ginagawa namin dito? Wala lang, Natripan namin.
"Ano?"
"Tama ba yung narinig kong Napilitan ka lang na makasama ako?" Tanong niya.
"Oo ahuehue"
"Bakit ayaw mong sumuko? parami ng parami na ang kamalasan ko tapos hindi mo ko iniiwan? Ano bang gusto mong mangyari?" Seryoso niyang tanong at alam kong gustong gusto niya na ako palayuin sakaniya.
Ayaw niya ako masangkit sa mga kamalasan at problema niya sa buhay.
Pero kasi Tingin ko, Lalo lang akong magiging pabigat sakaniya.
"Jinhwan Oo napilitan ako Pero sa tingin ko kailangan mo ng tulong ko, Ayokong Iwan ka" Buong lakas kong sinabi
Bat ko ba nasasabi ang mga bagay na 'to sakaniya.
"Pag natulungan mo ba ako? Iiwanan mo na ako? Ganun naman talaga diba? Lahat nalang iniiwanan ako"
"Bakit ka kasi nagiisip ng ganyan?!" Inis kong saad. Napatigil naman siya at biglang nagring ang Phone niya.
Napahinga naman ako ng malalim.
Ano ba kasing tumatakbo sa isip nun.
"H-hello?"
(Hoy lalake! Kelan mo ba babayaran ang babae ko?!!)
"Ahh malapit na po, Konting buwan nalang po"
(Siguraduhin mo lang yan, Dahil kung hindi, Ako mismo magbabaon sayo sa lupa ng buhay)
"OO na!!" Huling sabi niya at Ngumiti siya.
"Aruy" Binatukan ko nalang.
tuwang-tuwa pa! may utang na nga.
"Para kang tanga!! Dami na ngang problema sa buhay, Nagawa pang ngumiti"
"Gusto ko ngang damihan yung problema ko...." Sambit niya at niyakap pa ako.
HUWHAT?! MAY DIPERENSYA NA TALAGA SIYA SA UTAK.
Babatukan ko na sana ulit siya pero nahawakan niya yung kamay ko.
"Gusto kong damihan yung problema ko Para hindi mo na ako iwan" Niyakap niya ulit ako at hinigpitan niya ang pagkakayakap sakin.
"Para kang tanga!" Sigaw ko.
"Hala natanga pa ako! ayoko lang namang iwan mo ko e"
BINABASA MO ANG
Jinhwan's Life [REVISING]
RomanceMahilig ako sa lalaking inucente. Minsan lang kasi ako makakakita ng mga lalaking inocente eh. Kasi halos lahat ng lalaki ay pantay-pantay at normal lang sakanila ang Manood ng mga Sexy thing. At sa lahat ng inocenteng pinapatos ko ay siya lang ang...