[34]

40 4 0
                                    

Chimmin's POV

Nasa Airplane na ako at Inaabangan na umandar na 'to.

Nakatingin lang ako sa bintana habang Hinihintay na may Jinhwan na hahabol.

Pag pinigilan talaga ako ni Jinhwan na umalis. Hindi na talaga ako magdadalwang isip na Sumama sakaniya. Kahit masakit. Just please, Please. Habulin mo ko.

Gustuhin ko mang bumaba dito sa eroplano pero may naghihintay sakin sa ibang bansa.

Hinihintay na ako ng mga magulang ko.

Sinabi ko kasi sakanilang dadalwin ko sila at talaha namang nasiyahan sila dahil miss na miss na daw nila ako.

Napahinga ako ng malalim nung narinig kong aalis na ang eroplano.

Wala na. Wala nang hahabol na Jinhwan sakin.

~*~*~*

Kendall's POV

"I still Love you Kendall" Napakagat ako sa ibabang labi ko at napatungo.

Hindi 'to pwede.

Kaalis lang ni Chimmin kanina. Hinatid ko siya. Pagkahatid ko sakaniya nakipagkita sakin si Jinhwan.

Naguguluhan na talaga ako sakanila.

Eto ba ang dahilan ng pagbebreak nila? Ako ang dahilan?

Kaya ba nanlalamig sakin si Chimmin kanina?

Napatungo ako at napaiyak.

"B-bakit ka ba ganyan Jinhwan?"

"Narealize ko din naman kasi na Hindi mo talaga magagawang makipag-break sakin dati kung hindi ako nagtiwala sayo. Kung hindi ako naniwala sa sinasabi nila, Edi Sana tayo pa din. Alam ko naman talagang di mo magagawa ang bagay na yon sakin kasi mahal na mahal mo ko diba? Sorry kung ngayon ko lang narealize, Sorry kung nasaktan kita---

Sinampal ko siya ng malakas.

"SANA HINDI MO NALANG GINAMIT ANG KAPATID KO!!" Napatigil siya habang hawak-hawak ang pisnge niya.

Nagagalit ako. Galit na Galit ako sakaniya.

Simula palang nung Pinaniwala niya si Chimmin na isa akong malanding pokpok! Isang pokpok ang ate niya.

Lalo akong napahagulgol.

"H-hindi ko siya ginamit.."

Mas lalo akong nagalit.

"SINAKTAN AT GINAMIT MO SIYA!"

"Hindi.. Naging importante din sakin si Chimmin, M-minahal ko din siya" Napalunok ako at tinignan siya sa mata. Nasasaktan na siya at kitang kita ko sa mga mata niyang gulong gulo na siya.

"Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag Nagalit ulit sakin si Chimmin"

"Wala na siya dito Kendall! Pero bat siya pa din ang Topic?!"

"Magisip ka nga jinhwan! Mahal na mahal ko si Chimmin. Yung pinaka-mamahal kong kapatid, Ginagago mo!"

"Hindi ko siya ginagago, Kendall! Binalik ko lang siya sayo gaya ng gusto mo! Ikaw ang nanakit sakaniya!!" Sambit niya at Nagwalk out.

Napasabunot ako sa buhok ko.

Hindi ko sinaktan ang kapatid ko!

Oo pinapabalik ko si chimmin sakin kasi ayoko siyang masaktan. Ayokong saktan siya ng isang Jinhwan.. Pero kasalanan ko ba kung ako pa rin ang mahal ni Jinhwan?!

Naguguluhan na ako.. Ang sakit. Sobrang sakit isipin na iisa lang ang dahilan kung bakit nasasaktan ang kapatid ko.

Ako.

Sorry Chimmin. Sorry. Pero Hindi ko inaagaw si Jinwhan sayo. Inaagaw lang kita mula kay Jinhwan.

----------------------------------------

Thanks for reading :)

Jiminside

Jinhwan's Life [REVISING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon