[32]

44 6 1
                                        

Chimmin's POV

"Ate Nakapagdesisyon na ako" Tumingin sakin si Kendall na may pagtataka.

"Susunod ako kina mama" Napahinga ako ng malalim. Hindi ko na ata kasi kakayanin dito.

"Pero.."

"Huwag ka nang magalala sakin" Ningitian ko siya. Alam ko sa kabila ng masasakit na salita na Sinabi ko sakaniya. Mabuting tao pa din siya.

Ni hindi ko nga alam kung bakit ko siya nasabihan ng masasakit na salita noon. Mahal na Mahal ako ng Ate ko.

"Sasama ako sayo" Nakangiti niyang saad at magaayos na din dapat siya ng damit ng pigilan ko siya.

"Huwag na ate, Saglit lang naman ako duon e" Napatungo ako. "Atsaka May kailangan lang akong gawin"

"Magmove-on?" tumango ako. Tiningnan ko siya "Kaya Huwag ka nang sumunod" Ningitian ako ni ate at nilapitan ako.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Magingat ka duon" Sabi niya.

Tinignan ko siya sa mata. Nakangiti siya pero Pakiramdam ko may Lungkot sa mata niya.

"Huwag ka ngang malungkot dyan. Bukas pa naman ang Flight ko e" Napahinga siya ng malalim.

"Pumunta ka kay Jinhwan" Nagtaka naman ako. Bat ko pupuntahan yon? Edi lalo lang akong nasaktan? aalis na nga lang ako, Hahapdi ulit yung puso ko. Pwede ba yon? Bawal bang magpakasaya muna ako?

Wala na ba akong karapatang sumaya? meron pa naman diba. I Can make my Own Happiness. Nagiging masaya naman ako nung wala pa si Jinhwan diba.

"S-sige pupuntahan ko" Wtf.

Sumakay na nga ako sa Kotse ni ate kendall at nagdrive papunta sa bahay ni Jinhwan.

Kinakabahan pa ako pero Ok lang. Lahat naman kinakaya ko diba. Atsaka Last na talaga 'to. Sa susunod na pagkikita namin, Sa Impyerno na.

Kumatok ako sa pinto ng bahay namin--- Ay Niya pala. Binuksan niya naman agad.

Napatigil kaming dalawa.

Gusto ko sanang sabihing "HI EX!" Kaso huwag na.

"Chimmin---

Huminga lang ako ng malalim at Tiningnan siya sa mata.

Hindi ko maintindihan ang pinapahiwatig nito. Pakiramdam ko Nasasaktan siya.

Kung ganon, Bat niya pa ako hihiwalayan? Degago pala 'tong hayop na 'to e, Sige panindigan mo yan.

"K-kamusta?" Sht Tumigil ka Chimmin ah! Pigilan mo! Saglit ka lang naman sa Bahay na 'to.

Nagulat naman ako nung hilahin niya ako at yakapin.

Hindi lang siya nagsalita. Walang lumalabas na salita sa bibig namin.

Gusto kong umiyak kasi aalis na ako at iiwan ko na talaga siya. Ang sakit isipin na Magkayakap nga kami ngayon, Pero Ang layo namin sa isa't isa.

Yung pakiramdam na Gusto mo siyang balikan pero ayaw na niya. Kasi sumuko na siya.

"Uuwi ka na sakin?" napalunok ako at Mas lalong kumabog ang dibdib ko.

Mali 'to e. Ang sakit, Ang sakit sakit isipin na Gusto niyang andyan ka lang sa tabi niya pero Hindi siya gumagawa ng paraan para Manatili ka sa tabi niya.

"Hahaha Hindi! Kinakamusta lang naman kita e" Buong lakas kong sinabi pero sa totoo lang. Miss na miss ko na siya.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at humarap ulit sakin.

"Im Fine" Sumilay ang Ngiti niyang napakatamis sakin.

Ang sakit. Sabi na e, May iba na siyang Gusto. Dati sakin niya lang ginagawa 'to.

Pero grabe ah? Halos Isang Linggo palang ang nakakalipas Move on na agad siya! Ang galing niya naman. Ano yun? One second lang siya nagmove on? Minsan gusto ko nalang isipin na Minahal ba talaga ako ng taong 'to?

"Ah hahaha sige Aalis na ako, Magingat ka ah. Atsaka Kumain ka ng maigi, Lampayatot mo nanaman oh! Isang linggo lang akong nawala e, Ano bang pinapakain sayo ng Bago mo? Gayuma?" Nagtataka naman siyang tumingin sakin.

Bat ba ako nabibitter dito. Kainis e, One second lang nagmove on.

"Wala akong bago hahaha" Lalo niyang nilapit sakin ang mukha niya.

Napalunok ako at alam ko sa oras na 'to, Di ko na maalis ang tingin ko sakaniya.

Ningitian niya lang ulit ako at Alam kong KONTING KONTI NALANG HAHALIKAN NIYA NA TALAGA AKO! ONTING ONTI NALANG TALAGA MGA HINAYUPAK! HMMM! PIGILAN NIYO KO, AKO NA SUSUNGGAB DITO! LECHE!

Wait.. Anong sinabi ko?

"Ikaw? Kamusta?"

Leche.

---------------------------------------------

Thanks For reading :)

Jiminside

Jinhwan's Life [REVISING]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon