Episode 6 - Worst-case Scenario

1.4K 49 14
                                    

KANNAGI

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KANNAGI

Pasado alas-otso na ng gabi nang dinagsa ng mga tao ang Woli (ang pinagtatrabahuan kong restobar). Nakasuot ako ngayon ng crisp white shirt na pinaibabawan ng black vest saka may black bow tie pa, ’tapos pinaresan ng itim na pants. Waitstaff ako rito—part-timer. Kung paano ako nakapasok dito, sa ’kin na ’yon. May sarili akong mga paraan.

Ang sabi ko kaninang umaga kay Tita, may gagawin lang akong project, pero ang totoo ay naghanap talaga ako ng raket para bayaran ’yong utang ko kay Beast Mond at siyempre para na rin sa pangtustos ng eskuwela ko. May kakilala rin akong may-ari ng tindahan ng mga libro na kinausap ko kanina. Nagbabakasakali ako kung puwede akong mag-apply bilang assistant niya. ’Buti na lang at hindi siya nag-atubiling tanggapin ako.

Napagtanto ko na lang na gumagalaw na ang mga labi ko, bumubulong sa sarili: “What would you like to order, ma’am/sir? May I take your order, ma’am/sir?”

Ayos lang kaya ’tong suot ko? Pa’no kung may mali rito? Baka pagtawanan nila ako. Relax, Kann, relax.

Nilapitan ko ang isang binatilyo na sa hinuha ko ay minor de edad din kagaya ko. Patingin-tingin siya sa entablado, may live band kasi, habang may itinatala sa dala niyang maliit na notebook.

Ano’ng trip ng isang ’to?

“Hi”—ininat ko ang mga labi ko—“may I take your order, sir?” sabi ko sabay abot sa kanya ng menu card, nanatiling nakangiti.

Nga lang, naglaho ang ngiti ko dahil iba ang sagot na rumehistro sa ’king pandinig sa inaasahan ko.

“Kilala kita, a,” aniya habang naniningkit ang mga mata at nagkatagpo ang mga kilay.

Kumunot naman ang noo ko ’tsaka napalunok. “H-huh?” ang tangi kong naisambit.

Sa isang kisap-mata’y bigla na lang umaliwalas ang mukha niya at tila ba may bumbilyang lumiwanag sa itaas ng kanyang ulo. ’Tapos, itinuro niya ’ko kaya napalunok ulit ako. “Ikaw nga”—bumungisngis siya—“’yong paiinumin sana ni Beast Mond ng isang pitsel ng alak! The guy in distress. ’Tapos, may sumulpot na knight in shining armor!”

Kung ano-ano na lang ang kinukuda niya. Gusto ko sanang sabihing, O, ’tapos? ’Di ka na o-order? Magkukuwentuhan na lang tayo rito? Pero siyempre, customer pa rin ang isang ’to, ’di puwedeng bastusin. At ’di ko rin naman gustong humakot ng atensyon sa mga nandirito. Kaya minabuti kong pakalmahin ang sarili ko.

Patience, Kann, patience.

“Ako nga pala si Gemini Yvasco Hinolan. Grade 10. You can call me Nayi, or puwede ring Gemini,” pagpapakilala niya sa kanyang sarili sabay lahad ng kanyang kamay. “Ikaw?”

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon