Episode 9 - Show, Don't Tell

969 44 20
                                    

CLYVEDON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CLYVEDON

Do I like Kannagi?

Do I love him?

Hell yeah!

No’ng una kaming nagkita sa mansyon, my chest felt as though my heart was about to explode for no apparent reason. ’Tsaka, nakakita rin ako ng maraming heart emoji sa paligid naming dalawa.

Then I realized that I had flipped for him.

Fishing a little, he asked, “A-ano ang ginagawa mo rito? Magnanakaw ka, ’no?”

Suddenly, the words marshaled themselves in my mind and I almost said, Hindi ako magnanakaw, for crying out loud! I . . . I think I like you. Pero imbes na sabihin ’yon, umasta akong nagtiim-bagang, then I shot back: “Mukha ba ’kong magnanakaw?”

After a short while, nag-usap kami sa living room. Doon ko nalaman na Kannagi Lacanlali ang pangalan niya (kakaiba at maganda). Siya raw ang bagong caretaker sa mansyon.

Paalis na sana siya, pero humirit ako, “About earlier, okay, ha.” You’re so . . . sexy? Hot? How about: “Nice body.”

Geez, what did you say, Clyve? Are you nuts?

Hindi siya lumingon sa ’kin. He just raised his middle finger then screamed bloody murder, “Pakyu ka!”

Pagkaalis na pagkaalis niya, napahiga ako sa sahig at wala sa sariling sinipa-sipa ang sofa. “Lord, kaya mo naman palang gumawa ng gano’n”—tinakpan ko ang mukha ko gamit ang palad ko—“ba’t ngayon mo lang ipinakilala sa ’kin?” Then I let out a chuckle.

Fast forward to a day after we first met, nagulat ako nang malamang kaklase ko si Kannagi. Siguro, ako na ang pinakamasayang tao sa buong mundo kasi katabi ko ang taong gusto ko.

Calm down, oh beating heart, saway ko sa puso ko.

Kaya lang, napansin kong maya’t maya siyang napasulyap sa kaibigan kong si Luke (a.k.a. Lukecifer). Yes, barkada ko sila ni Rich, at saka last year lang kami nagkakilala.

Don’t tell me . . . he likes my friend?

’Tapos, biglang nahulog ang ballpen ni Luke. Kinuha naman iyon agad ni Kannagi at ibinigay sa kaibigan ko.

Lumingon sa kanya si Luke, at saka nagsabi ng, “Thank you.”

Kannagi etched a smile on his face. Medyo matagal siyang nakatitig kay Luke at parang may ini-imagine na kung ano-ano.

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon