Content warning: This episode involves depictions of homophobia and mentions of death.
THIRD PERSON POV
“I like you, Clyve,” buong lakas na wika ni Hasna. At dahil masyadong nakahakot ng maraming atensyon ang pag-amin niya, umugong ang bulong-bulungan sa paligid nila. “Gusto na kita simula no’ng nakilala kita sa plaza. Nag-i-skateboarding kayo no’n, tanda mo pa?”
Napalunok ang binatang si Clyvedon. Ayaw niyang masaktan ang dalaga, ngunit kailangan niyang sabihin ang totoo. Tumikhim muna siya bago magbitiw ng, “You know what, isa ka sa pinakamabait na tao na nakilala ko, Has. You’re caring, outgoing, and selfless. Kaya lang”—panandalian niyang kinagat ang ibabang labi—“kaya lang, hindi ko masusuklian ang pagmamahal mo, Has. Thank you for liking me, but I’m sorry . . . I can’t reciprocate your feelings. All I can offer you is friendship.”
Napasinghap ang mga manonood.
Pagkatapos sabihin iyon ni Clyvedon, pumatak bigla ang mga luha ni Hasna at dumulas sa kanyang pisngi. Para siyang sinabuyan ng malamig na tubig. Makaraan ang ilang segundo, isang mahinang hikbi ang kumawala sa bibig niya bago tuluyang tinalikuran ang binata at kumaripas ng takbo dahil sa pinagsamang sakit at kahihiyan.
“Has!” tinawag siya ni Luke subalit hindi niya ito nilingon. May dala-dala pa man din itong bulaklak. Kapapaalam lang nito kay Clyvedon upang ligawan ang dalaga.
Samantala, pagkalabas naman ni Hasna sa Merryfield High, kaagad niyang inilapat ang puwetan sa bangketa, hindi pinihit ang leeg sa kaliwa at kanan, tuloy lang sa pagtangis. Kung totoo lang iyong “Hanahaki Disease,” tiyak kanina pa siya nag-umpisang magsuka ng mga talulot ng bulaklak sapagkat hindi nasuklian ang pagmamahal niya sa isang tao.
Hindi naglaon, bigla na lamang sumulpot si Cerri at umupo sa kanyang tabi, hindi alam ang gagawin. “Ano’ng nangyari, Hasna?” tanong niya, walang kabuhay-buhay.
Ngunit hindi tumugon si Hasna, bagkus nagpatuloy lang siya sa pagpapakawala ng mahihinang hikbi. At saka, hindi rin mapakali ang mga balikat niyang nagtaas-baba.
Buhat nang makilala ni Cerri si Hasna, palagi na siyang dumidikit sa kanya. Mayroon kasing kakatwang sensasyong dumadaloy sa katawan niya sa tuwing kasama niya ang dalaga. Parang ulam na gusto niyang kainin mula agahan hanggang hapunan. Parang kantang araw-araw o minu-minuto niyang pakikinggan. At doon siya unang nagkaroon ng emosyon na kalaunan ay natukoy niya—pag-ibig.
Ang pakiramdam ng may Alexithymia: Parang “Writer’s Block” sa wikang Ingles—gusto niyang ilahad ang nararamdaman niya subalit wala siyang ideya kung paano; parang may sensasyon sa loob ng katawan niya ngunit hindi niya matukoy kung ano; parang may usok sa paligid niya—may naaninag siyang kaunti ngunit hindi niya makita ang kabuoan.
Iyan ang mundo ni Cerri. Subalit simula noong nakilala niya si Hasna, may kaunting pagbabago sa kanyang buhay.
Kasalukuyan siyang nakatitig kay Hasna habang ito’y umiiyak. Hanggang sa bigla na lang pumasok sa utak niya na taniman ng halik ang labi ng dalaga nang walang paalam. Nanlaki ang mga mata ng huli dahil sa gulat. Para itong binuhusan ng malamig na tubig, hindi kaagad nakakilos kahit hindi nito gusto ang ginawa ni Cerri.
BINABASA MO ANG
Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)
Romance[FINISHED] Categories : Boys' Love • Contemporary Romance • LGBTQ Kannagi Lacanlali, or Kann, suffers daily from social anxiety. Siya na ang nakatoka bilang caretaker sa mansyon ng mga Gulmatico, na nasa ibang bansa, buhat nang ma-admit ang tita niy...