KANNAGI
Matapos kaming palayain nina Soichi at Zeek sa jail booth, tinakasan din namin ang aming booth para magtungo rito sa sementeryo. Ilang nitso rin ang nilampasan namin bago kami tuluyang huminto. ’Di ko alam kung ano ang ire-react habang nakatitig sa puntod ng kaibigan ni Clyve na may nakaukit na: HASNA V. SABERON.
Naglapag siya rito ng bulaklak—purple hyacinth. Sa palagay ko, may meaning kung bakit ganiyan ang binili niyang bulaklak. Dinispatsa ko na lang ’yon sa ’king isipan at dinako ko ang tingin kay Clyve na nakaupo sa damuhang maayos na tinabas.
“Hasna,” banggit niya sa pangalan nito, “I just want you to meet Kannagi.” Bumaling siya sa ’kin, may maliit na ngiti sa mga labi, ’tapos sinenyasan niya akong tumabi sa kanya. Wala nang luhang tumatakas sa mga mata niya; naubos na siguro do’n sa likod ng gawa-gawang rehas nila Soichi.
Pilit kong ininat ang mga labi ko. “Hi, Hasna.” Nasa dulo na ng dila ko ang nais ko sanang idagdag, Ayos ka lang ba riyan sa langit? pero ’di ko tinuloy. Mali. Sa halip na bitiwan ’yon, iba na lang ang sinabi ko: “Ako nga pala si Kann. ’Di ko alam ang buong kuwento, pero sana’y ’wag kang magalit sa ’kin. Pangako, aalagaan ko si Clyve. Sinabi niyang siya ang may kasalanan kung bakit ka nawala. Sana . . . sana, mapatawad mo siya.”
“’Oy, ba’t mo siya kinausap? Mamaya, sumagot ’yan!” eksaheradang wika ni Clyve. Kapagkuwa’y humagikhik ang loko.
Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. ’Tapos, pumangalumbaba ako nang muli siyang magseryoso.
“Last year pa, barkada ko na sina Luke at Rich ’tapos kalaunan ay nakilala ko rin si Hasna. Naging close kami—super close. Pero no’ng ika-apat na araw ng Foundation Week, may inamin siya sa ’kin: she said she liked me. Gusto na raw niya ’ko simula pa lang no’ng nagkakilala kami sa plaza. Mabait naman si Hasna at saka maalaga, I must admit. It’s just that . . . I’m not into her.
“Bago siya umamin sa ’kin, Luke confronted me first. He asked me if Hasna and I were a thing. Sinabi ko ang totoo, na hindi ko siya mahal, na hindi ko siya kailanman nagustuhan. Kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. After that, nagpaalam sa ’kin si Luke na liligawan niya raw si Hasna, bagay na hindi naman niya dapat ginawa dahil ’di ko naman pag-aari si Hasna to begin with.
“Unfortunately, ’di man lang nasabi ni Luke na mahal niya si Hasna. Pagkatapos kasing umamin ni Hasna na gusto niya ’ko, tumakbo siya habang umiiyak. Hindi niya matanggap na f-in-riendzone ko siya. Ayaw ko namang magsinungaling no’n para lang mapasaya siya, kahit wala naman akong nararamdaman sa kanya. Kasi, alam kong sa dulo, masasaktan ko lang siya.”
Tumango-tango lang ako habang taimtim na nakikinig sa kanya. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit niya sinabing kasalanan niya na nawala si Hasna, kung bakit niya sinigaw noon na pinatay niya ito.
BINABASA MO ANG
Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)
Romance[FINISHED] Categories : Boys' Love • Contemporary Romance • LGBTQ Kannagi Lacanlali, or Kann, suffers daily from social anxiety. Siya na ang nakatoka bilang caretaker sa mansyon ng mga Gulmatico, na nasa ibang bansa, buhat nang ma-admit ang tita niy...