Episode 16 - Fear Is a Liar [2/2]

415 18 0
                                    

A/N: There are inappropriate behaviors of the characters in this episode. Please do not imitate.

 Please do not imitate

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KANNAGI

Nagpatuloy ang selebrasyon sa aming eskuwelahan dahil Foundation Week. Sa ikatlong araw, araw ng Miyerkules, kaming dalawa ni Clyve ang nakatoka sa photo booth. Tinutulungan naman ako ni Clyve; sinabihan niya pa ’kong ’wag pagtuonan ng pansin ang mga tao sa paligid at mag-focus lang sa iilang dumalaw sa booth namin para magpa-picture. Sinubukan ko naman, gaya ng sabi niya, pero ’di ko talaga maiwasang mapadpad ang tingin ko sa mga estudyante, lalo na no’ng may narinig akong humagalpak sa di-kalayuan.

“Kann”—hinawakan niya ang kamay ko—“tumingin ka sa ’kin,” aniya nang mahuli akong hindi mapalagay. “Relax ka lang. ’Di ikaw ang tinutukoy nila. Hinga . . . buga . . .”

Tumalima naman ako sa atas niya. Huminga ako ’tapos nagpakawala ng hangin.

Kumunot ang noo niya saka lumaki ang mga butas ng ilong. “’No ba ’yan? Amoy na amoy ko pa ang ulam n’yo kagabi!” naiiling niyang bulalas at kalaunan ay humagikhik.

Natawa ako sa sinabi niya at pabiro ko siyang sinuntok sa braso. Tuloy, nakatanggap siya mula sa ’kin ng, “Gago!”

Pagpatak ng alas-singko y medya ng hapon, niligpit na namin ang mga gamit sa ’ming booth at inilipat sa clubroom ng Volunteer Club. Naghihingalo na ang araw sa kalangitan, ngunit aligaga at abala pa rin ang karamihan dahil ngayon pa lang sila maghahanda para sa Battle of the Bands.

Pero kami ni Clyve, pumuslit na kami; palabas na kami ng eskuwelahan habang magkahawak ang mga kamay. Hindi naman kasi namin trip ang um-attend do’n. Ngunit ang pinagtatakahan ko lang ay kung bakit seryoso siya ngayon habang naglalakad kami? Parang malalim ang iniisip. Sobrang saya naman niya kanina nang ibalita ko sa kanya na approved kami kay Tita Pamila. ’Yon ang bumagabag sa ’kin.

Kaya, muntikan ko nang masabing, Ano’ng problema mo? Subalit ’di natuloy kasi huminto siya, binalingan ako, at unti-unting nanlaki ang kanyang mga mata. ’Yong tipong tuluyan nang nahulog sa tulay ng ilong niya ang bayabas na kanina pa niya tinitingala.

“Pa’no kung lumabas tayo ngayong gabi?” magiliw niyang pagkasabi. “What do you think?”

“Game ako riyan,” mahina kong pagkasambit na may kasama pang ngiti. “So . . . magde-date tayo?”

“Hindi,” agap niya.

“E, ano’ng gagawin natin sa labas?”

“We have to do something, Kann. ’Yong kakaiba! Something that we’ve never done before!”

Nagdalawang-isip ako. “Pero—”

“Hep!” Hindi niya ’ko pinatapos. “Bago ka pa ma-consume ng takot o pag-aalala, huminga ka ’tapos buga.” At ginawa ko naman agad. “Very good, mosh.”

Lit Candle in the Rain (Night Bazaar Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon