12

4.3K 224 18
                                    











Unedited....












"Wag mo na silang pansinin, inggit lang 'yan sila!" sabi ni Gina kay Arabella dahil nakarinig siya ng patutsada tungkol sa kanya ng ibang kandidata na kaya sya nanalo ay dahil kay Zeon. "Magaling ka sa introduction. Magaling kang magdala sa swimsuit and you nailed it sa evening gown! Higit sa lahat, ang ganda rin ng sagot mo! Dapat ikaw nga ang nanalo eh!"

"Yaan mo na, Gina. Hindi naman ako apektado," natatawang sabi ni Arabella. "Wala sa akin yun, promise."

"Basta! Mga inggitirang frog!" sabi ni Gina. "Wait, dito ka lang muna kasi tatanong ko yung registrar kung magkano ang balance namin sa tuition fee ni Kuya."

"Magbabayad ka na?"

"I-full na ni Daddy para wala nang isipin."

"Sana all," sabi ni Arabella. "Hindi kaya ng nanay ko i-full kaya every exam na lang ako magbabayad."

Naiwan siyang nakaupo sa bench. Naupo siya at nakinig muna ng music saka nagmuni-muni. Ang swerte lang nya dahil nagsasakripisyo ang ina sa pag-aaral niya kahit na kaunti na lang ang natitira sa sahod nito. Sympre milyon ang tuition fee dito sa Westbridge bago ka maka-graduate.

"Ang layo naman yata ng iniisip mo?"

Napatingin siya sa binatang naupo sa tabi niya. "Isa ba ako sa mga nasa isip mo?"

"Hindi," sagot ni Arabella.

"Nakakasakit ka na, Bel."

"Gusto mo magsinungaling ako, Zeon?"

"Fine. Gusto ko 'yong honest."

"Kumusta pala ang lakad mo kahapon?"

"Kina Daddy? Ayun, nangamusta lang," pagsinungaling ni Zeon. "Sabi pala ni Mommy, baka may time ka at pwede kang mag-dinner sa amin."

"Ha?"

"Family dinner."

"Kilala nila ako?"

Napakamot si Zeon sa ulo kaya hinampas niya ito sa balikat.

"Paano nila ako nakilala?"

"Nakita yata nilang magkasama tayo sa yate," sagot ng binata.

"Nakakahiya," ani Arabella. Sigurado siyang pinaimbestigahan siya ng mga magulang ni Zeon. "Kaya ayaw ko talaga ng manliligaw na mayaman eh."

"Wag ka nang magtampo. Sinabi ko naman na mabait ka."

Siniko ni Arabella ang binata. "Hindi pa naman kita boyfriend ah. Lahat ba ng kasama mo ganyan sila?"

"Alam nilang special ka sa buhay ko, Bel. Wala naman akong gaanong kaibigan na babae."

"Speaking of kaibigan," pag-iiba ni Arabella. "Kumusta na yung Mica na bisita mo? Nakatulog ba siya nang maayos sa unit mo?"

"Sa hotel nga siya natulog."

"Di ko alam."

"Sinabi ko sa 'yo."

"Nakalimutan ko," pagsinungaling ni Arabella. Baka hindi talaga yun nag-hotel at madulas si Zeon. "Anak siya ng kaibigan ng daddy mo?"

"Not exactly."

"Anong not exactly?"

"Yung mom niya, ex ni Daddy. Okay naman sila pero syempre may gap sila ni Mommy."

"Paano yung naging magkaibigan ulit ang mga parents nyo?"

"Hindi ko rin alam. Actually, parang wala lang naman kay Daddy pero si Tita, minsan nakikipag-close kay dad kasi nga may past naman daw sila. Kami naman ni Mica eh, okay lang kami kasi wala naman kaming kinalaman sa mga nagawa nila noon."

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon