27

3.3K 213 19
                                    










Hindi ko alam pero sobrang bored na ako sa story na 'to. Mabilis akong mag-update kasi sympre may mga part ako na gustong marating.  D ako makakarating sa eksenang gusto ko kapag hindi ko 'to isulat. Hahahaha. Anyways. Bawas-bawasan ko na yung abusive traits ng Bautista sa mga susunod na story ko kasi medyo complicated sa ibang di ko naman readers.  So medyo magbago na ako ng slight.

Malapit na ako sa favorite kong eksena. Ewan ko but I always wanted this type of plot talaga.😂

















UNEDITED....









"Hi po," magalang na bati ng nurse na pumasok.

"Hello," bati rin ni Nina. Tatlo silang bata sa kwarto at halos lahat ay dengue.

"Mila?" tanong ng nurse.

"Anak ko ho," sagot ni Nina sa nurse kaya lumapit ito sa kanya.

"Ito ho ang gamot, Ma'am. Painumin mo na lang po ang anak mo. Bibisita si Dok mamaya." Inayos niya ang IV fluids ng bata.

"Salamat ho," pasalamat ni Mila at kinuha ang gamot. Kinuhaan niya ng litrato ang mga gamot saka isinend kina Arabella.

Mayamaya pa'y pumasok ang doktora para kamustahin ang mga pasyente.

"Hi," bati ng doktora. "Bago kayo, 'di ba?"

"Yes po."

"Mila Natividad?" tanong ng doktor kay Nina.

"Yes po," sagot ni Nina at ngumiti. Nagising si Arean nang tiningnan ng doktora ang rashes.

"Hello po," bati ni Arean.

"Ilang taon ka na?" magiliw na tanong ng doktora.

"Apat po. Mag limang tao na siya nextyear," pagsinungaling ni Nina.

"Okay. Ang gandang bata naman. Mukhang anak-mayaman ah. Ang kinis ng balat kung wala lang rashes."

"Foreigner ho kasi ang tatay niya," ani Nina. "Dok? Pwede ho bang patingin ako ng mga gamot niyang tine-take?"

"Sure. By the way, nakuhaan na ba kayo ng blood sample sa baba?" tanong ng doktora.

"Hindi pa ho. Para saan?"

"Para malaman natin ang blood count ng bata kasi dengue 'yan e. Kailangan nating makita ang hemoglobin niya."

"Sige po," sabi niya.

Nang umalis ang doktora, agad na tinawagan niya sina Arabella at ipinaalam.

"Nakuha mo ba ang gamot niya!" tanong ni Maya.

"Yes po."

"Wag kang magpa-blood test," sabi ni Maya.

"Pero kailangan—" Nina.

"No! Ayaw ko!" tanggi ni Maya. "Sabihin mong hindi pumapayag ang ama niya.'

"Pero hindi ba sila magduda? Dugo lang naman," sabi ni Nina.

"Kamusta si Arean?"

"Okay lang ho pero mataas pa rin ang body temperature niya at nasusuka ho siya."

"Kaya na ba niyang umuwi?"

"Malabo kasi mahina pa talaga sya at hindi pa bumababa ang lagnat."

"Kapag okay siya bukas, umuwi na kayo. Mag DAMA kayo."

"Ano ho yun?" curious na tanong ni Nina.

"Discharge against medical advice. Basta kapag okay na si Arean at kaya na niya, umuwi na kayo."

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon