43

5.5K 235 22
                                    













Unedited...










"Zeon? Pwede bang bukas na lang tayo bibili?" pakiusap niya ni Arabella.

"Pagod ka ba?"

"Hindi ko alam pero wala akong ganang maglakad."

"Okay."

"Pero mag-dinner tayo nina Mama mamaya ha." Lumuwas ang parents niya kanina kaya makipagkita sila. Sya rin ang nagbook ng hotel na malapit sa condo nila para makapunta siya rito kapag walang magawa.

"Ilang linggo ba sila rito?"

"One week lang dahil mag-aani na raw ng palay pag-uwi nila."

"Okay. Ipasyal din natin sila kapag hindi ako busy sa office."

"Okay. Pwede rin naman na ako ang sasama sa kanila."

"Sasama si Kuya Mario at maiwan si Arean."

"Iniisip mo ba na iwan kita?"

"Gusto ko lang makasigurado," pag-amin ni Zeon at napasulyap sa asawang may binabasa sa cellphone. "Alam mo naman na natatakot pa rin ako hanggang ngayon."

"Okay lang," ani Arabella dahil hindi rin niya ito masisisi.  "After kong manganak gusto kong bumalik sa pag-aaral."

"Sige. Pwede naman. Kuha na lang tayo ng yaya ng anak natin tapos early pang i-bottle feed."

"Sige. Gusto ko talagang makapagtapos e," sabi niya. Kahit na mayaman si Zeon, alam niyang mas magiging proud ang mga magulang kapag magkaroon siya ng diploma.

"Tutulungan kita, Bel. Ako ang bahala pagkatapos mong manganak. Ako muna ang mag-aalaga kay Baby kapag mag-aral ka na."

"Thank you," excited na pasalamat niya.

"Nagugutom ka na ba, Bel?"

"Medyo."

"Kasi hindi ka nakapag-breakfast kanina."

"Kasi naman naduduwal ako sa umaga e." Hindi makapasok ang pagkain sa tiyan niya dahil agad niyang sinusuka kaua ngayon ay nakaramdam na siya ng gutom.

Napatingin sila sa pintuan nang may kumatok.

"Ako na," sabi ni Arabella dahil alam nyang busy ang asawa. Tumayo siya at binuksan ang pinto.

"Hello, beautiful!" nakangiting puri ni Carlo at napasilip sa loob.

"May kailangan ka?" tanong ni Zeon kaya nilakihan ni Arabella ang pagbukas ng pinto para makapasok si Carlo.

"May kaunting problema lang."

"Gaano ka kunti?"

"Natapon ng service  crew ang in-order mo kaya maghahanda sila ulit pero mga thirty minutes pa."

"Where?" hindi maipinta ang mukhang tanong ni Zeon at lumapit kay Carlo.

"Sa labas pero mabilis lang naman iyon," sagot ni Carlo.

"Dito ka lang, mine," bilin ni Zeon saka lumabas sa opisina pero hindi pa siya nakarating sa elevator ay nakita na niya ang pagkaing nililinis ng empleyado dahil natapon sa sahig.

"S—Sir," natarantang sabi ng matandang lalaki na magdadala sana ng pagkain kaso natapon. "P—Pasensya na ho kasi—"

"Alam mo bang kanina pa namin hinihintay ang pagkain dahil nahihilo na ang asawa ko?" bulyaw niya. Kung hindi para kay Arabella, hindi naman siya magagalit.

"B—Babayaran ko na lang ho, pakikaltas na lang sa sahod ko."

"Wala akong pakialam sa sahod mo! Hindi pera ang issue rito kundi ang pagkain ng asawa ko!"

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon