30

3.7K 224 21
                                    













Unedited...







"Ma'am? Pabihisan daw po si Arean dahil aalis sila after one hour," sabi ng Pam. Tatlo ang kinuhang katulong ni Zeon. Sina Pam, Rina at Ronalyn. Napapansin niya na mabait itong si Pam sa kanya pero sina Rina at Ronalyn ay mukhang ayaw sa kanya at katulong din ang tingin sa kanya.

"Sino ang may sabi?" tanong ni Arabella.

"Si Sir Zeon ho."

"Alam mo ba kung saan sila pupunta?"

"Sa pagkakarinig ko isasama lang niya pero hindi ko alam kung saan. Baka mamasyal."

"Sige, bibihisan ko lang."

Nilapitan niya ang anak na naglalaro sa sahig ng barbie doll. Ito ang inaalagaan niya at ang ibang gawain ay hindi na siya gumagalaw. Hindi siya sumasabay sa kanilang kumain. Dito siya sa kwarto kumakain dahil puno naman ng pagkain ang kwarto at minsan ay binibigyan siya ng katulong. Kapag dumaan ang pamilya ni Zeon, pumapasok siya agad sa kwarto. Kung kasama naman niya ang anak, iniiwan niya sa mga ito kapag dumating. Para siyang hindi nag-i-exist sa kanila. Ni walang kumakausap at pumapansin kaya mas mabuti pang magkulong siya sa kwarto. Si Zeon nga, never silang nag-usap kahit na isang salita lang. Multo siya sa pamilyang ito. Tanging katulong lang ang kumakausap sa kanya.

"Alis daw kayo ng papa mo kaya magpalit ka na ng damit."

"Mamamasyal tayo, mama?" Nasa mukha nito ang galak kaya ngumiti si Arabella.

"Oo, mamamasyal kayo pero hindi ako sasama. Kayo lang dahil may gagawin si Mama ha," malumanay na sabi niya.

"Pero gusto kitang kasama," nakangusong sabi ni Arean.

"Nextime, sasama na ako, baby. Mamamasyal din tayong dalawa, okay?"

"Si Papa muna ngayon?"

"Oo, ang papa mo muna ngayon," sabi niya at naghanap ng masusuot ng anak. Hindi niya alam kung saan pupunta kaya blue dress with rib knit belt na two inches above the knee tapos combat boots with minimalist side zip and lace-up  metal detailing. Hinayaan niyang ilugay ni Arean ang mahaba nitong buhok at nilagyan niya ng cloaches hat kaya nagmukhang fashionista ang anak.

"Wait, dalhin mo 'to," sabi niya at pinabitbit ang anak ng cute na Cartier handbag. "Ayan, ganda-ganda ng baby ko." Naupo siya sa kama at pinagmasdan ang get-up ng anak. Sarap kurutin.

"Ganda ng dress ko, mama!" masayang sabi ni Arean kaya ngumiti si Arabella. "Pakabait ka roon ha. Tapos kahit anong mangyari umuwi ka mamaya, okay? Uwian mo ako ha."

"Yes po, mama. Uuwi po kami," sabi ni Arean.

Bumukas ang pinto kaya umayos sa pagkakaupo si Arabella. Pumasok si Zeon at tinitigan ang anak ng ilang segundo. "Let's go, baby?"

"Alis na kami, mama. Uwi po ako mamaya," sabi ni Arean saka humalik sa ina at sumama na kay Zeon.

Nang nasa sasakyan na sila, kinuhaan ni Zeon ng litrato ang anak.

"Picture tayo, baby," sabi ni Zeon saka nag-selfie kasama ang anak.

"Sana sumama si Mama," wika ni Arean habang nakatingin sa baba. "Papa?" Tumingin siya sa ama. "Sabi ni mama umuwi raw ako mamaya."

"Sabi niya sa 'yo?"

"Opo," sagot ng anak sabay tango.

"Psh! Natakot din pala na hindi mo uwian!" mahinang sabi niya na umuusok ang ilong sa galit. Ilang araw na niyang nakikita si Arabella pero hanggang ngayon ay hindi niya pa ring magawang kausapin ito dahil nauunahan siya ng inis at galit. Mas lalong napikon siya rito dahil ni isang salita, hindi rin bumibitiw. For short, wala siyang balak na kausapin. Nandito lang ito para sa anak nila.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon