38

4.3K 243 23
                                    











Unedited...










"Si Arabella?" tanong ni Gina nang pumasok sa bahay. Kanina pa siya tawag nang tawag pero hindi nito sinasagot kaya pinuntahan na niya. Umiiyak na nagsumbong si Arabella sa nangyari sa kanila ni Zeon kanina pero agad na naputol ang tawag at hindi na niya makontak.

"Mukha ba kaming lost and found na hinahanapan ng walang kwentang tao?" pagtataray ni Mica na nagtsa-tsaa kasama sina Mercy at Zian.

"Hindi," nakangiting sagot ni Gina. "Mukha kayong marites sa kanto na alam ang lahat na nangyayari sa barangay!"

"Ang tapang ng dila mo ah!" gigil na sabi ni Mica.

"Kung wala kang sasabihin, lumayas ka sa bahay bago pa kita ipakaladkad sa guard!" pagtataboy ni Zian.

"Si Zeon ang may-ari ng bahay na ito kaya siya lang ang may karapatang magpalayas sa akin," mahinahong sagot ni Gina. "At si Arabella ang ipinunta ko rito, hindi kayo."

"Nagmana ka sa kaibigan mo, walang galang!" sabi ni Zian.

"Ikaw naman hindi ko alam kung saan ka nagmana sa kawalan mo ng galang," sabi ni Gina. "Matanda pa rin ako sa 'yo, Zian! Matuto kang gumalang!"

"Excuse me, kilala mo ba kung sino ang tinatarayan mo?" sabat ni Mercy.

"Ah. Si Zian, kapatid ni Zeon. Si Mica na bestfriend ni Zeon at ikaw?" ani Gina saka pinasadahan ng tingin si Mercy. "The third party."

"Hindi ako third party!" giit ni Mercy.

"Hindi naman talaga kasi mukhang hindi ka naman niligawan ni Kuya Zeon," sabi ni Gina.

"Excuse me—" Mercy.

"Sabi ni Kuya Carlo, hindi ka niligawan ni Kuya Zeon! For short, wala siyang balak na jowain ka! Umasa ka lang talaga pero sorry ka, mahal niya pa si Arabella."

Natawa si Mica kaya napatingin si Gina sa kanya.

"Bilib din ako sa tapang mo, Gina," ani Mica.

"Matapang ako kapag kinakalaban ang bestfriend ko!" sagot ni Gina at inirapan ang tatlo saka umakyat sa hagdan para kausapin ang kaibigan.

"Kagigil siya!" sabi ni Zian.

"Sobra!" inis na sabi ni Mercy.

"But is it true na hindi ka niligawan ni Zeon?" tanong ni Mica.

"Naging kami ni Zeon. Dumating lang talaga si Arabella at sinisira niya ang relasyon namin," ani Mercy.

"Hayaan mo Ate Mercy, babalik din si Kuya sa 'yo," sabi ni Zian. "Lalayuan din niya si Arabella oras na malaman niya ang tunay na habol nito sa kanya."

"Nakakagigil!" inis na sabi ni Mercy.

"Si Philip," pag-iiba ni Mica. "Matagal na siyang kaibigan ni Zeon kaso sa CTU sila nag-aral tapos sina Zeon at Carlo ay sa Westbridge."

"Kaya nga," ani Zian. "Magkakilala kayo, 'di ba?"

"Yes. I heard ka-brod mo siya," sabi ni Mica kay Mercy.

"Yes," sagot ni Mercy. "At ngayon ay tinutuhok na sila ni Arabella."

"I see," ani Mica. "Syempre hindi ko naman papayagang mapunta ang bestfriend ko sa maling tao. Dapat yung deserving talaga. Kung walang matinong babae, sa akin na lang siya."

"Tara, swimming tapos shopping tayo later," yaya ni Zian para maiba ang usapan dahil umay na rin siya kay Arabella. Gusto lang niyang lumayo ito sa kapatid para hindi na masaktan pa si Zeon.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon