28

3.4K 232 16
                                    










Unedited...











Kakalapag lang ng sinasakyan ni Zeon.

"Hey, dude!" bati ng kaedad niyang si Jason na anak ng family friends nila rito sa Jordan Guimaras, anak ng Mayor.
"Long time no see!"

"Thanks. Kamusta ka na?"

"Heto, tatlo na ang anak."

"Mabuti naman at nagpapakarami ka," sabi ni Zeon at napatingin sa resthouse na napapalibutan ng armadong tauhan ni Jason.

"Halikayo sa loob. Nandito ang hinihintay ninyo." 

"Thanks, Jason."

Dito nila dinala sina Arabella matapos nitong masundan sa tinutuluyang bahay.

Habang palapit sa bahay, hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Excited siyang makita ang kanyang anak.

"Dito sa taas, inaasikaso pa ng dokto at nurse ang bata," sabi ni Jason at iginiya sila sa taas.

Binuksan ni Zeon ang pinto at pumasok.

Napalingon si Arabella nang marinig ang mga yabag palapit sa kanila. Hindi siya makagalaw pero napako ang tingin niya sa lalaking nakatayo sa kanilang harapan. Nakaramdam siya ng takot nang makita ang galit sa mga mata nito na kulang na lang ay pagsaksakin siya nito hanggang sa mamatay. Sa buong pagsasama nila, never pang nagalit si Zeon sa kanya. Ngayon para siyang isang maliit na tutang pinapakitaan ng pangil ng isang mabangis na leon.

"Kamusta na siya?" Narinig niyang tanong ni Zeon na ibinaling sa doktor ang paningin.

"Stable na siya," sagot ng doktor.

"Mabuti naman. Pwede na ba siyang maibyahe? Dalhin ko ang isang nurse para mag-alaga sa kanya habang nagpapagaling," sabi ni Zeon at lumapit sa natutulog na anak. Yumuko siya saka masuyong hinaplos ang pisngi ng magandang anak. Mapupula ang mga labi nito, matangos ang ilong, medyo makapal ang kilay at mahaba ang pilikmata.

"Arean," bulong niya sa pangalan ng anak. He miss her so much. Ilang araw lang silang nagsama pero siya naman ang nag-alaga nito.

"Pwede na. May swero naman siya," sagot ng doktor.

"I'll take her with me," sabi ni Zeon. Hindi nakaimik si Arabella. Walang salitang namutawi sa mga labi niya dahil ang lakas ng presensya ni Zeon. Para siyang alipin na binusalan sa bibig lalo na't wala ang kanyang mga magulang sa tabi niya.

"So then it settled," sabi ni Jason. "Ngayon na ba?"

"Ayaw ko nang tumagal ako rito dahil wala akong panahon, tumakas lang ako sa meeting," sabi ni Zeon at inutusan si Mario na buhatin ang anak. "Salamat sa pagpatuloy muna, Jason. Maasahan ka talaga."

"Sure. Basta ikaw, Zeon. Alam mo namang hindi namin matanggihan ang mga Bautista," sagot ni Jason at napatingin sa batang binubuhat na palabas.

"Kapag may kailangan ka, wag kang mahiyang lumapit sa amin," sabi ni Zeon at bahagyang napasulyap kay Arabella na lumabas at sinundan ang anak.

"Kuya Mario, w—wag mo naman hong kunin sa akin ang anak ko," pakiusap ni Arabella sa batang umiiyak na at gustong lumapit sa kanya.

"Ma'am, ginagawa ko lang ho ang tungkulin ko," malungkot na sabi ni Mario.

"K—Kuya, please. Wag ho ninyong ilayo sa akin ang anak ko," pakiusap niya na tumutulo na ang mga luha. Ang anak na lang niya ang pinakamahalaga sa kanya at hindi na niya kayang mabuhay pa kapag mawala pa ito.

Sinundan niya hanggang sa makalabas na sila ng resthouse pero pinigilan siya ng dalawang lalaki. Humarang ang mga ito sa dinadaanan niya.

"P—Please, padaanin ho ninyo ako," luhaang pakiusap niya. "K—Kailangan ako ng anak ko!" Tanaw niyang isinakay ng mga ito ang anak.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon