(17)

3.7K 199 7
                                    















Unedited...










"Happy valentines!" masiglang bati ni Gina nang pumasok si Arabella sa classroom nila. "Ayieee. What's your plan?"

"Happy valentines," bati rin ni Arabella at inilapag ang shoulder bag niya. "Sino ang ka-date mo?"

"Wala," sagot ni Gina. "Sino ba dapat? Si Kuya ayun, nagpaplano ng date sa new girlfriend niya pero di ko lang alam kung sino sa kanila? Si daddy at mommy busy rin kaya solo ko ang valentines day. Matatapos din naman bukas e."

"True. Uwi na lang tayo sa bahay."

"Wee? Tingin mo palalampasin 'yon ni Zeon?"

"Sympre naman. I'm not expecting naman at isa pa, everyday ay valentines day.'

"Sana all," ani Gina. "Nakita mo sa labas? Kani-kanyang pakulo na ang mga pinsan ni Zeon kaya papahuli pa ba siya? Isa pa, first valentines ninyo ito."

"Wala nga. Hindi ako mahilig sa suprises," sabi ni Arabella at alam na ni Zeon iyon.

"Kung sabagay, lie low pala kayong magjowa. Believe rin ako sa inyo e. Tahimik lang ang lovelife ninyo kaya walang gaanong issue. Hindi rin naman mahilig sa babae si Zeon kaya walang third party."

"Hindi lang natin alam," biro ni Arabella.

"Okay. Si Mica lang," bulong ni Gina and rolled her eyes. "Ano na naman kaya ang dramang gagawin nun?" Naikwento ni Arabella sa kanya ang tungkol sa nangyari noong Christmas at pasko kaya inaway raw nito si Zeon.

"Hayaan mo siya. Okay na rin naman sa akin na friends sila ni Zeon dahil bago ako dumating, sila na talaga ang magkaibigan. Hindi naman ako ang tipo ng girlfriend na pagbawalan ang lahat ng makakasama ng boyfriend," ani Arabella. Malaya talaga si Zeon at kung gusto nitong makasama sina Mica sa special occasion, hindi siya magrereklamo.

"Grabe rin ang tiwala mo kay Zeon, ano? Tandaan mo, gwapo si Kuya Zeon, mayaman at malakas din ang charisma," paalala ni Gina. "Marami ang babaeng nangangarap sa trono mo ngayon, Ara. Huwag kang masyadong kampante dahil kahit na kasado at pamilyado ay may nang-aagaw pa. Marami ang desperadang babae ngayon."

"Nasa kay Zeon na iyon kung magpapatukso siya o ipagpalit niya ako sa iba."

"Wow!" bulalas ni Gina. "Sana all may confidence gaya mo! Kung sabagay, maganda ka nga talaga!"

"Eh kasi kahit na mahal ka ng lalaki, kapag binuksan niya ang panunukso ng iba, wala kang magagawa."

"May times ba na nagdududa ka kay Zeon?"

"Oo," pag-amin ni Arabella. "Hindi rin naman ako maganda at mayaman kaya sympre nandoon ang doubt minsan pero nasa kanya na iyon. Kahit nga artista o magandang naikasal sa pangit, pinagpapalit pa e."

"Pero mabait naman si Kuya Reon. I'm sure mahal na mahal ka niya. Ayieeee... Paano pala kapag mabuntis ka?"

"Ha?"

"Alam kong kaya ka naman niyang buhayin pero ready ka na ba?"

"Pinagsasabi mo? Wala sa isip ko ang pagbubuntis. Masyado pang maaga."

"Kung sabagay, withdrawal muna o condom kayo. Ano ba sikreto mo?"

"Ha?" nang ma-realize ang topic ay sinapak niya si Gina. "Tigilan mo nga ako! Hindi naman kami naggaganun."

"Wee? Sa dami nyong trips at iisang building lang kayo ng condo? Di ako ipinanganak kahapon, Bel. Bestfriends  tayo. You can trust me."

"Wala nga. Bahala ka kung ayaw mong maniwala!" sabi ni Arabella na hindi rin naman makapaniwala sa mga paligid nila. Ganoon ba talaga ang iniisip nila sa kanila ni Zeon? Ano ang aaminin niya e wala nga talagang nangyari sa kanila? Hindi pa sila handa pareho.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon