26

3.4K 199 19
                                    










3 years later....









Unedited...





"Saan siya galing?" bulong ni Zia sa bunso nang makitang umakyat si Zeon ng hagdan.

"Sa Westbridge raw," sagot ni Zian.

"Hanggang ngayon umaasa pa talaga siya na babalikan siya ni Arabella?" hindi makapaniwalang tanong ni Zia.

"Baka may pinuntahan lang," sabi ni Zia. Nang mawala si Arabella, halos araw-araw na bumabalik si Zeon sa Westbridge, umaasa na baka bumalik ang mag-ina niya. Siguro nagsawa na ito sa kakahintay kaya sumuko na.

"Mabuti naman at maka-move on na siya."

"Mom? Kapag makita ko si Arabella, papatayin ko siya sa sampal!" gigil ni Zian.

"Hindi na siya babalik," sabi ni Zia. Tatlong taon na ang nakalipas mula nang mawala ito tangay ang apo niya pero hindi pa rin nila mahanap.

"Hahanapin siya ng pamilya! Hindi siya pwedeng mawala nang parang bula!" sabi ni Zia. "Hindi pa ako nakaganti sa kanya. I swear, magbabayad siya, Mom! Magiging impyerno ang buhay nya rito sa lupa! Whatever her reason is, hindi iyon sapat para saktan niya si Kuya!"

"Okay na rin naman ang kuya mo, 'di ba?"

"Yes po. Nagde-date na sila ng friend ng kaibigan niya."

"Maganda ba?" curious na tanong ni Zia.

"Maganda tapos mabait naman. Mukhang okay naman daw sila ni Kuya at madalas na nagkikita," sabi ni Zian. Basta maka-move on ang kuya niya, kahit sinong babae ang pinapares niya rito.

"Good. Sana tuluyan na niyang kalimutan si Arabella at magsimula ulit."

"Paano kung mahanap ang baby?"

"Ang baby lang ang tatanggapin ng pamilya," sabat ni Zeon na nasa likuran nila.

"May balita ka na ba kay Arabella?" Hindi sila tumigil sa paghahanap. Hindi dahil sa mahalaga si Arabella kundi kailangan nilang matagpuan ang apo nila.

"Wala pa," sagot ni Reon.

"Sumuko na ata si Zeon," puna ni Zia. Ang tagal nang hindi ito naghahanap sa mag-ina niya. Tumigil na rin ito sa pagmumukmok at lumalabas na paminsan-minsan kasama ang barkada. Hindi na rin ito nakikipag-usap sa kanila kapag dumating ang hired detective nila.

"Yaan lang ninyo siya," sabi ni Reon. "Okay nga iyon. Hindi doon nagwawakas ang buhay niya."

Natahimik sila nang bumaba si Zeon at naupo kasama nila.

"Saan ka galing?" malumanay na tanong ni Zia sa anak.

"Sa Westbridge lang, may inasikasong papers ko."

"Ah. Kumusta ang company mo?"

"So far okay naman ho. Mga kaibigan at kaklase ko ang mga employee ko," sagot ni Zeon.

"Kumuha ka ng maaasahan at mapagkatiwalaan mo," suhestiyon ng ama na tumabi sa kanilang ina habang si Zian ay busy sa kaka-laptop.

"Kilala ko ang mapagkatiwalaan ko, Dad."

"Hindi lahat at minsan ka nang pumalpak!"

Siniko ni Zia ang asawa.

Hindi pa nakipagsagutan si Zeon sa mga magulang. Kinuha niya ang cellphone na kanina pa nagri-ring.

"Excuse me," paalam niya saka tumayo.

"Talk!" seryosong sabi niya kaya napatingin si Zia sa anak.

Lumayo si Zeon sa pamilya para walang makarinig sa usapan nila.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon