42

4.8K 224 12
                                    












Unedited...








"Hindi kita maintindihan, Kuya! Galit ka sa kanya, 'di ba? Galit ka pero binuntis mo pa rin tapos ngayon parang wala siyang ginawang masama sa iyo!" sumbat ni Zian nang sunduin na ni Zeon ang anak.

"Di ba naipaliwanag na nina Mommy sa 'yo ang nangyari?"

"Is it enough para isakripisyo niya ang anak ninyo?"

"Zian please forgive her. Sa ayaw at sa gusto mo, asawa ko na siya at magpamilya na kami. She's my main family na at hindi na kayo."

Napayuko si Zian at napakagat sa ibabang labi kaya nakaramdam ng pagka-guilty si Zeon.

"Sorry, Zian. I'm sorry pero give her a chance. Okay naman kayo noon, di ba? You admired her pa nga."

"B—But she was fake," pabulong na sagot ni Zian saka tumingala sa kapatid kasabay ng pagbagsak ng mga luha. "S—Sinaktan ka niya. Iniwan ka niya at h—hinayaang magdusa ng tatlong taon." Tatlong taong nakita niya kung paano halos mawalan ng buhay ang kapatid sa lungkot. Nagigising ito at naglalakad na parang robot, walang pakiramdam at walang buhay.

Niyakap ni Zeon ang kapatid. "Tahan na, Zian ha. Okay na si Kuya. Masaya na ako at gusto ko nang makalimutan ang lahat. Mas mawawalan ng saysay ang buhay ko kapag mawala sila ulit sa akin. She's my life, Zian. I hope na mapatawad mo rin sya dahil nasasaktan ako kapag nakikita at naririnig kong binu-bully mo siya."

Mas lalong umiyak si Zian pero nang kumalma ay lumayo siya sa kapatid.

"Ano kaya ang pamangkin ko? Babae o lalaki?"

"Ano ba ang hula mo?" nakangiting tanong ni Zeon.

"Boy," nakangusong sagot ni Zian.

"Sana nga lalaki na," ani Zeon.

"Pag girl na naman okay lang. I'm sure another cute baby," sabi ni Zian na napalitan ng excitement ang lungkot.

"So okay na kayo ni Arabella?"

"Nah! Hindi ako plastic but and it takes time."

"Pero wag mo na siyang i-bully ha. Remember dinadala niya ang pamangkin mo at kailangan niyang maging malusog lalo na ang mental health niya. Bawal siyang ma-stress, okay?"

"Fine!" mataray na pagpayag niya saka napasulyap kay Arabella na nasa sala kasama ang parents niya.

"Mauna na kami."

"Saan ka uuwi?"

"Sa condo namin."

"Si Mica?"

"Nasa mansion. If you want samahan mo siya roon."

"Sige na nga. Doon na ako matulog. Wait, kukuha lang ako ng damit ko. Idaan ninyo ako roon." Paalam niya at umakyat sa kwarto kaya lumapit si Zeon sa asawa.

"Zeon, ingatan mo tong asawa mo ha. Palagi mong tingnan ang vitamins niya dahil baka makalimutan niyang inumin," paalala ni Zia.

"Sure, Mom. Ako na ang bahala," sagot ni Zeon at naupo sa tabi ng asawa saka inakbayan ito.

"Kamusta na pala ang mommy mo, Bel?" tanong ni Zia.

"Nasa Guimaras ho. May nabili kaming mango farm at resort doon kaya bumalik siya kasama ni Papa nang malamang hindi na ho ako sasama sa kanya," magalang na sagot ni Arabella. "Isa pa, ang tagal din niyang nagsakripisyo sa ibang bansa para sa amin ni Papa."

"Mabuti naman at hindi na sya bumalik pa sa abroad. Iba pa rin kasi kapag nagagawa niya ang gusto niya."

"Oo nga po, matanda na sila kaya dapat gawin na nila kung ano ang nakapagpasaya sa kanila."

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon