40

5.3K 274 47
                                    










Unedited...












Bumangon siya pero tulog pa ang anak kaya dahan-dahan siyang bumangon.

"Morning, Bel," bati ni Zeon na kakalabas lang sa shower room, basa pa ang buhok at nakatapis lang ng tuwalya.

"Morning," bati niya at iniwas ang mga mata sa katawan ng asawa.

"Nakatulog ka ba nang maayos?" tanong ni Zeon at kumuha ng handtowel at pinunas sa basang buhok para matuyo.

"Oo. Naging kumportable ako," sagot niya at tumayo. Akala nga niya mamamahay pa sya pero matapos mahiga ay tulog agad. "Zeon, C-CR ako!" sabi niya nang harangan siya ng asawa.

"Mamaya na."

"Naiihi ako. Tabi!"  pero hindi umalis si Zeon kaya tumingala siya rito.

"Kiss muna," hirit ni Zeon.

"Zeon naman! Hindi tayo teen—"

Isang mainit na halik ang dumapo sa mga labi niya kaya napahawak siya sa dibdib nito para pigilan sana. Hinapit siya ni Zeon sa bewang at nilaliman ang halik.

"I m—miss you," hinihingal na bulong ni Zeon saka isinandala ng noo sa noo ni Arabella. "Wag ka nang umalis ulit dahil mapapatay na talaga kita kapag iwan mo pa ako."

"Ba't di mo pa ako pinatay noong pagbalik ko?" tanong niya na hindi makakilos sa yakap ng asawa.

"I need an explanation and you deserve a second chance."

"Psh! Second chance your ass!" aniya pero nanlaki siya nang bumaba ang isang kamay ni Zeon at pinisil ang butt niya.

"Yeah. Isa pa, alam ko namang minahal mo ako eh."

"Feeling mo?" pagtataray niya.

"Syempre. Hindi ka naman iiyak kung gusto mo akong iwan e. Isa pa, di ka hihingi ng goodbye sex kung hindi mo ako gusto."

Ramdam ni Arabella na uminit bigla ang magkabila niyang pisngi.

"Di ba? We had a good sex at alam kong dinadala mo iyon kahit saan ka magpunta."

"Kapal mo! Katawan mo lang talaga ang gusto ko!" sabi ni Arabella na itinago ang pagkapahiya.

"At least gusto mo ang katawan ko and thanks God kasi hindi ka nagpagalaw sa iba!"

"Ikaw lang naman kung sino-sino ang—"

"Ikaw lang naman, Bel. Wala naman akong ibang nakatalik. Syempre ikaw lang ang mahal ko," pag-amin ni Zeon.

"Wow! Mahal mo ako pero kulang na lang ay patayin mo ako nang una nating pagkita," sumbat niya.

"Syempre. Dapat nga pananabik ang nakikita ko sa 'yo nang magkita tayo pero takot eh. Sino ba ang hindi magagalit doon eh never naman kitang sinaktan. Kaya minsan nasa isip ko na hindi mo ako minahal kaya nagagalit talaga ako sa 'yo. Sarap mong durugin sa mga bisig ko," paliwanag ni Zeon.

"Sige na. Naiihi na ako," sabi niya sabay tulak sa asawa.

"May meeting ako sa company today. Sama ka."

"For what?"

"Kasi asawa kita at gusto kong makilala mo ang employees ko."

"Ibu-bully naman ako ni Carol eh."

"Ikaw ang boss nila, Bel. Know your place."

"Ba't di mo sabihin sa kanila?"

"Hindi lahat ng oras ay ako ang magpaliwanag sa kanila. Minsan maging proud ka naman na asawa kita," sabi ni Zeon.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon