37

3.9K 239 34
                                    






Unedited..







"Morning," bati ni Mica kay Zeon nang bumaba ito at sinamahan siya sa pangape sa veranda.

"Morning, pretty. Nakatulog ka ba nang maayos?"

"Nakatulog naman. Buti at tinitirhan mo na ang bahay mo na 'to," ani Mica.

"Oo. Nandito na kasi ang anak ko."

"Ang anak o ang ina?"

"Both."

"Oh my gosh! Ang rupok mo naman para mapatawad siya nang mabilis. I hate you!"

"I love you," natatawang sabi ni Zeon. "She's still my wife."

"Alam ba ng pamilya mo?"

"No."

"I heard kay Zian na may bago ka raw na girlfriend?"

"Mercy?"

"I don't know."

"She's just a friend."

"Pero girlfriend mo siya sabi nila."

"Maybe. Kung iyon ang paniniwala nila."

"Bakit hinayaan mong iyon ang isipin ng mga tao at ni Mercy. Isa ka ring paasa, Zeon! Napakasalot ng ganyang lalaki sa mundo!"

"Bestfriend ba talaga kita?"

"Yep! That's why sinasabi ko sa 'yo ang totoo!"

"Thanks, Mica. Ang aga pa para mainis ka sa akin," sabi ni Zeon at uminom ng kape. "Gusto mong mag-swimming?"

"Nah! Gusto kong magmuni-muni."

"Okay, samahan kita."

"Ano ang balak mo kay Arabella?"

"Bakit?"

"Kasi nandito pa rin siya na hindi naman talaga dapat. Palayasin mo na nga. Kung nahihiya ka, ako na!"

"Again, asawa ko siya."

"Uso ang divorce, Zeon!" sabi niya. "Mag-umpisa ka ulit. Maghanap ka ng bago dahil milyon-milyong babae ang handang maging step-mom ni Arean."

"Bakit ba siya ang topic natin?"

"Sino pa nga ba? Dahil siya lang naman ang nakakairita sa buhay mo. Divorce her!"

"Walang divorce dito sa Pinas."

"Eh di annulment. Bigyan mo ng isang bilyon, papatol na 'yan sa gusto mo!"

"Change topic."

"Ayaw ko nga!" tanggi ni Mica. "Mag-usap tayo tungkol sa kanya! Bakit ba hanggang ngayon ay pinagtatanggol mo pa rin siya? Hindi pa ba sapat na niloko ka niya?"

"Naririndi na ako, Mica."

"Eh di wag mo akong pakinggan! Unahin mo naman siya."

"Alam mong mahalaga ka sa akin, Mica. Nagsisi ako sa ginawa mo noon pero sana naman, bigyan mo ng pagkakataon si Arabella."

"Ibig bang sabihin, binibigyan mo na siya ng chance? Tapos kapag okay siya at kunwari ay mabait, magpapaloko ka na naman? Baka mangyari sa inyo ang nangyari sa mga Villafuerte dahil sa katangahan mo, Zeon?" Nangyari na iyon sa Villafuerte. May isang babae na tinangay lahat ng yaman ng pamilya at iniwang walang-wala. Buti na lang at nabawi pa ng mga ito ang pinaghirapan ng kanilang ninuno.

"To tell you honestly, naguguluhan na rin ako. Gusto ko na ng tahimik na buhay, Mica. Nakakapagod na."

"At ang pagpatawad sa kanya at magpaloko ulit ay ang definition mo ng tahimik na buhay? Paulit-ulit lang, Zeon. Magalit ka sa akin kung gusto mo pero ayaw kong maging tanga ka ulit!"

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon