6

4.4K 221 10
                                    








Unedited...








"Sasayaw ka sa talent mo?" tanong ni Gina. "Nice. Baka pwedeng maging backup dancer mo?"

"Pwede rin," pagpayag ni Arabella.

"Bakit daw pala hindi mo nire-reply-an si Kuya? Sinabi ko na hindi ka mahilig sa chichats," natatawang sagot ni Gina.

"Hindi naman talaga. Isa pa, mas kilala mo ang kuya mo kaysa sa akin."

"True. Wala kang future sa kanya."

"Siniraan ba naman ang kapatid," natatawang sabi ni Arabella.

"Pero maganda rin ang idea na maging sister-in-law kita," kinikilig na sabi ni Gina. "Kung sakaling papasa lang naman si Kuya sa standards mo. Alam ko naman na marami ang options pero believe me, sweet naman si Kuya."

"Hindi ko pa kino-consider ang pag-boyfriend."

"I know. Nineteen pa lang tayo at marami pa tayong taong tatahakin sa kolehiyo."

Napatingin si Arabella kay Zeon na naglalakad kasama si Carol.

"Madalas kong mapagkamalang magkasintahan ang dalawa," sabi ni Gina.

"Sino?"

"Kuya Zeon at Ate Gina. Kung hindi lang sila mag-tito, baka isipin ko na may karelasyon sila pero sabi ni Kuya, may boyfriend daw si Ate Carol."

"May pagkamarites ka talaga," ani Arabella.

"Curious lang! Isa pa, crush ko 'yan noon si Kuya Zeon dahil ang pogi pero ang suplado. Ni hindi namamansin kahit na kasama si Kuya."

"Baka ganyan lang talaga ang personality niya."

"Marami rin sanang may crush pero attitude muna bago beauty," ani Gina. "Aanhin mo ang gwapo at mayaman kung hindi kayo click at hindi marunong makisama sa mga tao, 'di ba?"

Ngumiti si Arabella sa kaibigan. "True," pagsang-ayon niya pero naunawaan niya si Zeon. Hindi lahat ng tao ay kayang makisama at makipag-socialite sa lahat. May mga taong iilan lang ang kaibigan dahil nag-iingat. Ganyan din naman siya minsan, ayaw niya ng maingay. Kani-kanya naman ang tao at kung saan sila kumportable, doon sila.

"Complete package na sana si Kuya Zeon pero hindi naman lahat ng tao ay perfect."

"At hindi lahat ng tao ay magugustuhan siya," segunda ni Arabella.

May practice sila ng blocking ngayon dahil bukas na ang pageant. Kung sino ang manalo ay siya ang iku-compete ng year level nila sa ibang level ng education.

Sinamahan siya ni Gina hanggang sa matapos.

"Umuwi ka na para makapag-beauty rest ka."

"Sige. Ikaw rin!"

"Ay, mamaya pa ako. Manood muna ako ng basketball. May laban ata sina Kuya eh. Sabay na lang ako."

"Ganoon ba?"

"Ay, gusto mong manood kahit saglit lang? Pang inspirasyon lang ni Kuya," biro ni Gina kaya hinampas siya ni Arabella.

"Sige na nga pero saglit lang."

Sumama siya kay Gina. Papasok pa lang sila, sinalubong na sila ng masigabong hiyawan. Nasa last quarter na kaya dikit ang laban at hinahabol ang oras.

"Tara, sa unahan tayo," yaya ni Gina at hinila siya para pumunta sa unahan. Hindi pa naman ito ang final match kaya hindi napuno ang gym lalo na't may laban din ang soccer team at volleyball sa labas.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon