15

3.8K 229 15
                                    












Unedited...








Hindi kumportable si Arabella sa table nila at napansin iyon ni Zeon. "Gusto mong umuwi na?"bulong ng binata.

"Wag na. Kakasimula pa lang ng party eh," tanggi ni Arabella kahit na gusto na niyang umalis pero iniisip niya si Zeon.

"Di ba Zeon? Mas maganda sa Maldives kaysa sa Santorini?" tanong ni Mica. "Ask him!"

"Nakapunta na kayo?" tanong ng kaibigan nito.

"Yes, sabay kami ni Kuya!" pagmamalaki ni Mica.

"With my cousins," sagot ni Zeon. Niyaya kasi siya ng mga pinsan niyang Villafuerte kaya wala siyang choice kundi sumama at dahil wala siyang partner, si Mica ang isinama niya dahil saktong nagpaplano rin itong doon magbakasyon sa Santorini, Greece.

"Yes. Ang saya kaya ng bakasyon namin!" pagmamalaki ni Mica. "May nagkakagusto pa kay Zeon kaya nagkunwari na lang na kami na magjowa." Sinabayan nya ng tawa.

"Bakit hindi pa ninyo tinutuhanan?" biro ng kaibigan ni Mica.

"Uy, grabe kayo!" sabi ni Mica sabay hampas sa balikat ng kaibigan. "Sympre friends lang talaga kami ni Zeon."

"Excuse me," palaam ni Zeon. "Samahan ko lang si Arabella na mag-CR."

Napakunot ang noo ni Arabella pero tumayo rin para sumama kay Zeon.

"Hindi naman ako naiihi," bulong ni Arabella.

"Gusto ko lang magpahangin," bulong ni Zeon.

"Ako pa ang dinahilan mo?"

"Sorry, masyadong biglaan kaya hindi na ako nakapag-isip ng excuse."

"Sige na nga, CR na muna ako," pagpayag ni Arabella. "Umiiwas ka ba dahil ayaw mong marinig ko ang ginawa ninyo nina Mica sa Santorini?"

"Bakit ko naman gagawin iyon? Wala naman akong tinatago."

"Sabi mo eh. Pero okay lang naman sa akin. Past mo 'yon eh."

"Wag mo silang pansinin, Bel. Ang mahalaga ay tayo," seryosong sabi ni Zeon. Hindi siya manhid para hindi malaman ang plano ni Mica. Kilala niya si Mica, alam niyang hindi nito gusto si Arabella sa hindi niya malaman na dahilan.

"Walang tayo," biro ni Arabella.

"Sorry, Bel. Pero mabait naman talaga si Mica, promise. Sa una lang ganyan talaga siya pero kapag makilala mo na, napakabait niya."

"Baka sa 'yo lang. Pero okay lang naman sa akin, Zeon. Hindi ako affected. Kapag ayaw nya sa akin, wala na akong pakialam pa dahil hindi naman sila ang source of living ko. May pamilya ako na tatanggap sa akin kahit talikuran ako ng mga nakikilala ko," proud na sagot niya. Isa pa, naihanda na nya ang sarili na makaranas ng ganito bago pa siya pumasok sa Westbridge lalo na ngayong involved na sya sa buhay ni Zeon.

Nang matapos mag-CR, lumabas sila sa hardin. May mga taong nandito at nanigarilyo at ang iba ay nagpapahangin din. Dinala siya ni Zeon sa isang bench na madalas nilang pagtambayan ni Carol.

"Ang lapad pala ng hardin nila." manghang sabi ni Arabella. Alam naman nyang mayaman talaga sina Carol pero yung ganito kalapad na hardin? Para syang nasa palasyo. Sa tantiya nya ay nakakalahating hektarya ang hardin nila at may garahe pa.

"Malapad ba 'to?" tanong ni Zeon.

"Oo. Hindi ba?"

"Ah, sakto lang," ani Zeon. Kung malapad ito kay Arabella, paano pa kaya kapag nasa bahay na sila niya? Eh kalahati lang 'to kaysa sa hardin nila.

Selfish LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon