Chapter 3

64 2 0
                                    

ELIANA was annoyed the whole morning. Silver ruined her mood and she’s actually thinking of dispatching that man she hates.

“Mawala na sana ang lalaking ‘yon. Sulpot nang sulpot. Papansin ang gago!” singhal niya habang nakaupo sa library at nagbabasa ng libro.

She wasn’t interested with men especially with that University playboy. Noong isang araw lang nakita niya ang lalaki na nagme-make out kasama ng taga College of Arts malapit sa library restroom.

“Nakakadiri,” bulong niya nang maalala ang kababalaghan ng binata.

Ipinagsawalang bahala na lamang niya ang kaniyang iniisip dahil ayaw niyang mapasukan nang kung ano ano ang kaniyang utak dahil lamang sa kaniyang nakita.

Ngunit tila sinasadya ng panahon ang makilala niya ang isang playboy ng University dahil sa malas niya ngayong araw, sumulpot na naman ng kusa ang binata sa harapan niya at ngayon ay sa garden siya ito kinukulit.

“Putangina mo, ano ba ang kailangan mo?!” inis at iritadong tanong niya.

“Ikaw,” he paused. “Ikaw ang kailangan ko, bakit may reklamo?” hamon niya.

She rolled her eyes. “Oo may reklamo ako! Kung ikaw lang rin ang nangangailangan sa akin, doon ka na lang sa ibang babae mangulit at huwag ako.”

Natawa si Silver. “Hush, you think of me as a playboy, yeah?” he questioned.

She knitted her forehead. “Sino ba kasing nagsabi na matino ka na lalaki?” she mocked.

Napahawak sa dibdib ang binata, nagkukunwaring nasaktan sa salitang binabanggit ng dalaga.

“That hurts…” he bit his lower lip.

Sumilay ang ngisi sa labi ni Silver at muling nagsalita.

“Matino naman ako,” giit niya. “Mas matino pa kapag ikaw ang kaharap ko.” kumindat pa siya at muling natawa sa naging reaksyon ng mukha ni Eliana.

Humalukipkip si Eliana. “Tumigil ka nga riyan, tangina ka-” he cut her off.

“One more curse,” he trailed off, seriously. “...may paglalagyan ang labi mo.” banta niya.

“Ilagay pa kita sa trashcan kung gusto mo!” asar ni Eliana.

Tumayo ang dalaga ngunit hinila lamang siya paupo ni Silver kaya ang labas niyon ay sa kaniyang nakakandong siya rito.

“Can’t you just put me into your heart instead?” he smirked, as he even winked.

Kumunot ang noo ni Eliana. “Bitiwan mo nga ako, gago ka ba?!” singhal niya. Inis na inis ang kaniyang mukha. “Anong can’t you put me into your heart instead ka diyan kung pwede naman kitang ilagay sa basurahan!” sarkastikong usal niya.

Playboy's ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon