I still remember the happiest day of my life.
The day started me to, think everynight.
The day I, lost my mind.
The day prepared me to, be kind.
The day I knew who, he really is.
The day taught me the real meaning of, miss.
The day I realized, first impression is not the last.
The day I saw the Person who valued and loved me very much.
The day I felt I’m a very important person.
The day woke me up with a special reason.
The day I had my, own beloved brother.
And I’ll never forget that day, forever.
Ang hirap mag-english at mag-rhyme ahh. Trying hard ako dun. -____-
Anyway, kasi ganito yun. :)) Yung araw na yun! :> hahaha. Landi ko! Sarrehh! XD
February 19, 2011. Saturday nun, tas sobrang boring kaya tuloy naisipan ko mag-malling.
Tapos, eto namang si Ella, busy. Yung iba kong friends, ayun masaya na sa mundo nila. So, as I expected I’m a 100% LONER! :(
Tapos, nagpunta na lang ako dun sa favorite place namin ni Ella, walking distance lang naman ehh. Basta park sya na maraming Flowers. Ang tawag nga namin dun, “Amazing Place”. ^^-
Kumakanta ako nun, habang nagsi-swing sa gulong na sinabit namin ni Ella sa Mango Tree nung mga bata pa kami.
Then biglang, ‘One Message Received!’
‘Hala! Unknown?! Sino kaya ‘to? Matanong nga.’, sabi ko sa isip ko.
‘Sino po ‘to? Wrongsend po ata kayo. :))’, feeling ko nang-inis pa ko.
‘Hindi! Kilala ko kung sino yung tinetext ko! Eto yung pinaka-magandang babeng nakita ko, sa buong buhay ko!’, Unknown.
‘Ha?? Hindi po. Lalaki po ako.’, pagpapalusot ko.
’Huwag mo kong lokohin! Bumaba ka dyan sa swing!’, utos nya.
At ako naman si loka, ewan ko ba’t sumunod ako. Bumaba ako.
Tumalikod at kahit isang tao o hayop man bukod sa mga ibong malayang lumilipad sa himpapawid, mga bulaklak na tila lumalangoy at mga dahong tila lumulutang sa damuhan na inaagos ng malakas na ihip ng hangin at babaeng nakatayo na mahaba ang buhok at nakaputi na dress, na kung anu-ano ang imahinasyong naiisip na tila tuluyan ng nababaliw at ako yun, e wala na kong nakitang naroon pa.
Ang tahimik pa naman ng paligid kaya feeling ko, marami ng mga nakipagsapalarang matatapang na tao sa Ikalawang Pandaigdigang Labanan ang namatay at malasin ka pa kung nailibing mismo sa sa kinakatayuan ko.
Totoong natatakot na ko ng mga oras na yun, kahit pa 12:51PM ang oras ng phone ko. Naisip ko tuloy na 12:51AM dapat.
Pero ang mang-mang ko naman kung pinagpatuloy ko ang kaisipang yun sa gitna ng mainit at maliwanag na tirik ng napakalaking araw.
Kaya wala na kong choice kundi ang umuwi. Kaysa mamatay ako sa takot dun at maging isa pa sa mga bayaning nagbuwis ng buhay nang panahon ng World War II at isa pa ko sa mga katakutan ng mga dalagitang gaya ko, pagdating ng susunod pang mga henerasyon.
Nang pauwi na ako, biglang may humila sa’kin. ‘Pag hila nya sa’kin, sabay takip sa mga mata ko. At sabay hawak sa mga kamay ko.
Lalaki? Babae? Bakla kaya? O tomboy? O baka tulad sya ng isang Hollywood Star na may dalawang kasarian?
Nang mga oras na yun, hindi ko alam kung sino yun. O ano yun. Tao? Halimaw? Multo? Alien from Neptune? O di kaya si Albert Einstein galing sa Kawalan?! O isang Hayop? Hayop na nagpapanggap na Tao? Siguro! Maraming ganun sa Mundo ehh. Aswang kaya?!
At dun ko narealized may araw nga pala, at hindi lalabas ang mga pinagsasabi ko. -.-
At ang huli kong naisip ay ‘Baka ang lalaking mamahalin ko’. Ba’la kayo kung ayaw nyong maniwala, pero kasi . . .
Iba ang pakiramdam ko nung mga oras na yun. Nung time na hawak nya ang kamay ko, mabilis ang tibok ng puso ko.
Hindi dahil alam kong may mangyayaring masama kundi dahil alam kong ligtas ako sa may hawak ng mga kamay ko.
Ang tahimik ng paligid nun, ang seryoso ng mundo. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na tibok ng puso ko at ang background music ng mga nagsisihuning ibon na malayang lumilipad.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Ficção AdolescenteTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?