Chapter 11

86 6 1
                                        

Kuya Jake!”, tawag ko sa pangalan nya na malamig ang boses. Kinalabit ko sya at nakangiti lang ako.

Natatandaan mo na?”, tanong nya.

Oo. Pero bakit mo binabalik lahat ng ’to? Kinalimutan ko na yun ehh. Pero ba’t pinapaalala mo?”, tanong ko na halatang naguguluhan.

Kasi gusto ko lang maalala mo yung mga oras na masaya tayo bago ’tong mga ’to. Gusto ko lang maalala mo lahat ng nangyari. Kung bakit kita lagi inaasar. Kung bakit kita lagi painag-titripan. Kung bakit kita lagi inaaway. Kung bakit kita lagi niloloko. At higit sa lahat kung bakit lagi kong pinapadama sa’yo yung di mo madama sa ibang tao.”, sabi nya sabay kuha ng dalawa kong kamay.

Sorry Kuya Jake ahh. Iba pa rin pala yung iniisip ko. Akala ko yung aalalahanin ko yung nadapa ko dyan sa putik. Nauntog dun sa kubo. Yung hinabol ako ng kambing. Atsaka yung nahulog ako sa puno. Iba pala yung sinasabi mo. Pero kung anuman yun. Di ko maintindihan.”, sagot ko.

Iba pala yung iniisip mo ehh. Alalahanin mo! Yung pangalawang punta natin dito. Yung malalaki na tayo. Birthday pa nga yun ni Kyle. Uhmmm. 3 years ago. Yung may dinalaw sila Mommy at Daddy pati sila Tito’t Tita na kaibigan nila. Tas sa puno. Nagkaroon tayo ng Dare Challenge at dun natin sinulat para di mabura. Remember?”, pagpapaliwanag nya. At ngumiti lang ako.

Ang challenge mo nun para sa’kin, ay yung ‘Ipadama lahat ng bagay sa kanya na din nya nadadama sa iba.’ E ang plastic mo pala ehh.”, sabi ko. Sabay bitaw sa kanya.

Bakit? Hanggang ngayon naman, ginagawa ko ahh. Ilang beses kong nabasa yung isip mo. Na bakit kapag hinihila ka nila o hinahawakan sa kamay, hindi mo maramdaman yung naramdaman mo sakin nung hinila kita’t hinawakan. Ilang beses kong nakita dyan sa mga matatanglaw mong mata, na naguguluhan ka, nang dahil dun. Ilang beses kong naring yung tibok ng puso mo, ilang beses kitang nahuling nakatingin sa’kin at nakangiti. Ngiting sa iba di ko nakitang binigay mo. At lahat yun, da–”, di ko na pinatpos ang sinabi nya.

Dahil sa’yo! Oo. Lahat yun dahil sayo. Pero Kuya Jake, ang daya mo naman ehh. Akala ko lahat, totoo yun. Yun pala dahil lang sa isang dare.”, sabi ko at hindi ko alam kung bakit biglang may tumulong luha galing sa mata ko.

Nasaktan ba ko? Kung oo, bakit?

Hindi ko naman sya minahal ahh. Pero, hindi nga ba?

Kyla!”, tarantang sabi nya. Sabay pawi ng luha ko na unti unting tumutulo. “Hindi yun biro. Totoo lahat yun. Akala mo lang. Pero para malaman mo, ginawa ko yun dahil, dahil yun ang gusto kong gawin para sayo. Hindi ako napilitan. Lahat yun totoo.”, sabi nya.

Okay. Sabi mo ehh.”, sabi kong pabiro. Sabay talikod. Tumulo ulit ang luha ko. Pero hindi lang yun isang tulo, dalawa o tatlo, kundi iyak na talaga. Napabulong pa ako sa sarili ko na, ‘Bakit?’

Iniwan ko si Kuya Jake sa kinatatayuan nya, at umalis ako.

At nakita ko yung punong sinasabi nya. Nakita ko yung dare.

At nakita ko na ang dare ko para sa kanya ay ’Huwag kang iiyak sa harapan nya.’

Nagulat ako, nanlaki yung mata ko. Kasi talo na ko.

Di ko na kasi matandaan kasi ilang years na rin yun kaya di ko napigilan yung luha ko kanina.

Pero ba’t nga ba di ko napigilan?

Shocks! Tumulo yung luha ko kanina sa harap nya.”, bulong ko sa sarili ko.

Natandaan ko na lahat. Lahat ng sinasabi nya. Tama sya, birthday yun ni Kuya, 3 years ago.

Nagpunta kami dito at si Ella, nagyaya mag Dare Challenge.

Birthday naman kasi ni Kuya kaya dapat may Game.

Pero, Game ba ‘tong matatawag kung may nasasaktan, ngayon?!

At hindi ba’t ang laki ng pagkakaiba ng Game sa Dare? Nevermind!

Tapos ayun na. Nagbunutan. Couple-Couple.

Ang kapartner ko si Kuya Jake,  at si Kuya at Ella ang magkapartner.

At yun nga ang nabunot nya. Nung sinabi nya pa nga yun sa’ming lahat, nakangiti pa sya.

Parang easy lang sa kanya. Parang kaya nyang gawin.

E ako yung taong, once na nainis sayo at tinuloy mo pa yung pangungulit mo, mahirap na magustuhan kita.

Na kaibiganin kita, na maging close kita. Pero hindi pala yun ‘parang’.

Kasi totoo. Na halatang easy lang sa kanya. Na tama sya.

Na sobrang dali lang yun, ang iparamdam sa’kin yung mga bagay na di ko madama sa iba. Oo, nagawa nya. Yun yung usapan ehh. Pero dun na ba nagtatapos yung dare?

Kasi, kung ako ang tatanungin, ayoko munang tapusin, dahil masaya pa ko.

Pero ang selfish ko naman kung ganun! Baka kasi sya, ayaw nya na, na napilitan lang sya, pero gusto ko pa.

At ang tanga ko naman kung gugustuhin ko pa, matapos kong malaman na lahat ng mga kasiyahan na naramdaman ko kasama sya ay, isang masakit na dare lang pala.

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon