Pagkatapos nun, naglaro kami. Tapos nanood ng Cine. Katabi ko sa kaliwa si Kuya Jake, tas sa kanan si Ella, tas katabi ni Ella sa kanan, si Kuya?? Hahaha. Natatawa na lang ako sa kanila.
Ang ganda ng story ng movie. Ewan ko kung bakit sumakto pero, parang kwento ko.
Inlove yung babae sa kapatid nung bestfriend nya.
Ooops. Kwento ko?! Inlove ba ko?! Nevermind!
Tapos nun, 2pm na? Ang bilis ng oras. Uuwi na daw kami. Sabi ko kumain muna. E aalis pala si Ella.
”Nagugutom na ako ehh.”, sabi ko.
”Kailangan ko ng umalis. Kayong tatlo na lang ang kumain. Di pa kasi tapos ang project namin ehh.”, si Ella.
”Hindi. Sasamahan na lang kita. Jake ikaw na lang ang magpakain dyan sa kapatid ko.”, si Kuya.
”Ang sama mo. Parang pet lang ako ahh!”, sabi ko sabay palo kay Kuya.
”Hahaha. O sige. Yung kapatid ko Kyle ahh. Bantayan mo. Baka may boyfriend na yan.”, si Kuya Jake.
“WALA!”, sigaw ni Ella.
“Sige na. Aalis na kami. Bye Kuya. Si Kyla ahh.”, sabi nya kay Kuya Jake sabay halik sa pisngi.
”Kyla. Si Kuya ahh. Sumbong mo sa’kin pag may ginawa. Ha?”, bulong nya sa’kin sabay halik din sa pisngi.
“O sige. Ingat kayo. Bye!”, sabi ni Kuya sabay hila kay Ella.
Napatingin ako sa kamay nila. Sabi ko sa isip ko, ‘Siguro nafeel na ni Ella.’
Sabay ngiti. Nakatulala lang ako nang marealized ko na wala na pala sila.
Nagulat ako at inakbayan ako ni Kuya Jake. ”Sa’n tayo kakain?”, tanong nya.
”Ha? Ano? Ewan!”, sagot ko.
”Tara na nga.”, sabi nya.
”Nawala yung gutom ko. Hahaha.”, sabi ko.
”So? May time pa tayo. Tara dali!”, sabi nya.
“Time? Saan?”, sabi ko.
“Ayan ka na naman! Andami mo talagang tanong.”, sagot nya. At naglakad na kami. Akbay nya lang ako.
Hanggang sumakay kami ng Taxi.
Hanggang sa nakatulog ako sa balikat nya.
Hanggang sa bumaba kami, sa?? Nasa Bulacan daw kami.
2hrs. ang byahe. Patay! Ang layo nito. At 5:00pm na.
Baka pagalitan ako nila Mommy. May pasok pa bukas.
”Bulacan?! Lagot ako kila Mommy.”, gulat na tanong at sabi ko.
Sabay alis ng kamay nya sa pagkaka-akbay sa’kin.
“Don’t worry, nagpaalam na ko.”, sagot nya.
Bakit ba lahat nagagawa nya, nang di ko nalalaman? At lagi na lang syang ready at ako walang kamalay-malay.
”San ’to!?”, galit na talaga ako.
”Di mo ’to naaalala?”, tanong nya.
”Hin –Hindi!”, sagot ko.
”Sa bagay matagal na rin yun.”, sagot nya.
At nakatingin lang sya sa magandang tanawin.
Ang tahimik pa naman. At pilit ko lang inaalala kung anuman yung gusto nyang alalahanin ko.
Tinitignan ko lang ang paligid. Ang ganda. Tahimik.
Puro lang green ang nakikita ko. May kalabaw, baka at kambing.
Ang daming patubig. Ang daming talahib at mga palay at mais na nakatanim.
Oo. Isa ’tong bukirin. At ngayon ko lang narealized, kay Tito at Daddy pala ito.
Dati nakapunta na ko dito. At ang gusto nyang maalala ko. Naalala ko na lahat.

BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Novela JuvenilTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?