Nang gabing iyon, ang ganda ng panaginip ko. Nagising daw ako na si Kuya Jake ang bumungad sa’kin.
At di pala yun panaginip, totoo yun.
Andun si Kuya Jake sa tabi ng pintuan ko at suot ang binili naming T-shirt kahapon.
“Hey! Ms. Beautiful. Goodmorning! 8am na po. Ang sarap ng tulog mo ahh. Nakangiti ka pa. Anyway, today is Sunday, magsimba tayo!”, sabi nya.
“Kuya Jake naman ehh. Ba’t andito ka? Private Room ‘to, you know?”, sabi ko.
“Hahahahaha. Ikaw naman yung Li’l Kyla ko ehh. Kapatid naman kita diba!?”, sabi nya.
“Kuya Jake naman ehh. Hindi pa nga ko naghihilamos ehh. Inaantok pa ko!”, sabi ko.
“Kaya bumangon ka na! Kanina ka pa inaantay ni Ella!”, sabi nya.
“Ella?! Andyan sya? Humanda sa’kin yung babae na yun!”, sabi ko.
Sabay madali sa pagbaba. Nang bigla akong nadulas.
Malalaglag na sana ko sa hagdan pero hinawakan ni Kuya Jake ang kamay ko. At, ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Salamat.”, sabi ko. At binitiwan nya na ko.
Bumaba na ko, at sumigaw ng malakas na “Good morning! ELLA! NASAN KA?!”
Pagbaba ko, hinila ko ang buhok nya, sabay takbo sa C.R., at diretso hilamos.
Paglabas ko, andun sya, nag-aabang. Sabay kiliti sa’kin. Ganun kami ni Ella. Mga bata kung magkulitan.
Nakita ko si Kuya Jake, nakatingin sa’min, at ngumingiti. Narinig ko pang nagsalita si Mommy.
“Nakakatuwa talaga ang dalawang yan.”, sabi ni Mommy.
“Oo nga po ehh. Parang hindi nagsi-dalaga. Pero, iba nga ang friendship nila ehh. Walang awayan, walang iyakan, walang siraan. Kaya hanggang ngayon, nagtatawanan.”, sagot ni Kuya Jake.
“Mommy! Si Ella ohh!”, sabi ko habang hinahabol ko si Ella.
Ang lawak pa naman ng bahay namin kaya ang sarap maghabulan.
“Tita, si Kyla yun.”, sumbong naman ni Ella.
“Hay naku! Kayo talaga! Kumain na nga kayo! Pag-papawisan kayo nyan. Ikaw, Ella, wala ka ng pampalit.”, saway ni Mommy sa’min.
“Marami akong dress sa taas.”, sigaw ko. At tumigil na kami ni Kyla.
“Hahahaha. Opo Tita. Marami sa taas. Kaya nga po nagshort lang muna ko at nagsando ehh.”, sabi ni Ella.
Nakita kong hawak ni Kuya Jake ang phone ko. Inagaw ko.
Pagtingin ko sa phone, nasa Calendar. Nakita nya yung sinave ko kagabi. Tsk.
Nakakainis! Pero okay lang yan. Nang tignan ko sya, nakangiti sya.
Tumalikod ako. Yumuko at ngumiti.
Pagkatingala ko, nakita ko si Daddy, ngumiti sa’kin. Tumakbo ko at niyakap sya.
”Goodmorning Dad!”, sabi ko.
”Goodmorning din. Nakita nya?”, tanong nya..
”Opo. Da’t pala dinelete ko na kagabi.”, sabi ko.
”Okay lang yan. Tara na kumain na tayo.”, sabi nya.
At hinila nya ko. Napatingin ako sa kamay ni Daddy at sa kamay ko.
’Ba’t di ganun yung pakiramdam ko?’, sabi ko sa isip ko.
Naalala ko kasi si Kuya Jake. Nung time na hinila nya ko at hawak nya ang mga kamay ko.
Kaya, napatingin ako sa kanya at ngumiti sya, nginitian ko na lang din sya.
Siguro naintindihan nya ang naiisip ko? Baka.
![](https://img.wattpad.com/cover/4523241-288-k695542.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Teen FictionTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?