Pagkatapos namin kumain, naligo na ko. Ang kulit nga ehh!
Habang naliligo ako andun din si Ella, nakisabay maligo. Hahaha.
Nakasanayan na din kasi namin yun, malaki kasi ang bathroom ko at dalawa ang shower dun, may shower curtain naman na humahati ehh.
At oo, kaya dalawa yun dahil para talaga yun kay Ella.
At kahit sa bathroom nya din, dalawa ang shower para naman sa’kin. Magkapatid na nga kasi kami halos.
Minsan nga dun ako natutulog sa kanila o kaya sya ay sa’min. At may mga gamit din sya sa bahay at ako din sa kanila.
Natapos na rin kaming maligo, at habang nagbibihis kami nag-uusap pa kami.
“Kyla! Kamusta kahapon?”, si Kyla.
“Masaya. Baliw ka kasi ehh! Pero seryoso ahh. Nag-enjoy ako kasama ang Kuya mo!”, sabi ko.
“So, mahal mo nga sya?”, tanong nya.
“Mahal agad? Ewan!! Kilala mo ko, ‘pag may gusto ko.”, sabi ko.
“Kaya nga. Kilala kita kaya sinasabi kong gusto mo si Kuya. Hindi ka ganyan sa mga naging crush mo. Hindi mo sila parati tinitignan. Napipigilan mong ‘wag ngumiti ‘pag nakikita mo sila. Di ko dinig yung tibok ng puso mo.”, napatingin ako sa kanya nun. “At, hindi ka nagsa-save ng notes kapag nakasama mo sila! E kung yun crush lang, e pa’no yung pakiramdam mo nga yun?”, pagpapatuloy nya.
Napahiga ako sa kama. Pinag-isipan yung mga sinabi ni Ella. Bago ako nagsalita. “Sa totoo lang, di ko alam yung nararamdman ko ehh. Di ko alam kung gusto ko yung Kuya mo.”, at kinuwento ko sa kanya lahat.
“Ha? Siraulo yun ahh. Sabi nya kagabi ‘pag uwi nya galing daw sayo yung mga dala nya. Yun pala ginamit nya pa ko para lang sa malayo kayo makapunta.”, sagot nya.
”Wait lang, may naalala ako. Yung T-shirt ni Kuya? Sayo ba galing yun?”, tanong ko at ngumiti lang sya. At ang ibig-sabihin nun ay, oo.
Habang nag-aayos na kami ng sarili, di ko lam kung ba’t lumabas sa bibig ko yung tanong na, “Pero ikaw Ella, tatanungin ko. Sa tingin mo gusto ko yung Kuya mo?”, tanong ko.
“OO!”, at hinila nya ko. “Tara na nga Kyla!”
Hindi ko tuloy alam kung ba’t tuwing may humihila sa’kin, tinitignan ko yung kamay.
At pinipilit na maramdaman yung naramdaman ko kay Kuya Jake.
Pagkalabas namin, bumaba na rin kami.
”Kambal talaga kayo!”, sabay na sabi ni Kuya at ni Kuya Jake.
At parehas lang namin ni Ella sila nginitian.
Naka-dress kasi kami parehas. Same talaga kahit sapatos, bag, even jewelries.
Pero as always, blue ako at si Ella ay purple. Laging color lang ang pagkakaiba namin.
At ang dalawang Kuya ko naman ay suot yung T-shirt na binili namin kahapon.
At, di ko alam kung ba’t may bag si Kuya Jake. And para saan? Ewan.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Teen FictionTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?