Chapter 13

72 3 0
                                    

Kyla!”, sabi nya at agad ko syang niyakap.

Si Kuya Jake. Oo, sya.

Pero ba’t nung hawak nya yung kamay ko, ba’t wala kong naramdaman gaya nang dati?

Tapos na nga ba ang dare? Tumulo ulit ang luha ko.

Sa isip ko, kulang ang 2 araw na makilala, makasama at mahalin ko sya.

Pero ngumiti na lang ako para di nya mahalata na . . .

Teka! Ano nga bang nararamdaman ko? At ano ba ang dapat itago ko?

Ngumiti na lang ako, dahil ngayon alam ko ng ligtas na ko.

Pero yun lang ba ang dahilan kung bakit ngumiti ako?

Naglakad na rin kami. Tahimik lang kami. Walang imik. Walang kibuan.

Umuulan pa din, at sobrang lakas. Feeling ko bagyo na.

Basta naglalakad lang kami sa madilim na lugar at puro matataas lang na damo ang nakikita ko.

Nakalabas na rin kami dun sa madamong lugar. Nakabalik kami sa kubo.

Pagkadating kasi namin dito may tinuluyan kaming kubo. Maliit, pero parang bahay na rin sya.

May lamesa, tulugan, banyo at lababo. Pagdating namin pinauna na kong maligo ni Kuya Jake.

Nagulat ako dahil bingyan nya ko ng damit, undies at towel. At lahat yun ay pagmamay-ari ko talaga.

Sa’n mo ‘to nakuha?”, tanong ko.

Sa bahay. Plano ko ’to kaya dapat handa ako. Dali na maligo ka na. Magkakasakit ka pa nyan.”, sagot nya at naligo na ko. Kaya siguro may bag sya.

Pagkatapos ko, sya naman.

Habang nagbibihis ako, napansin kong wala yung kwintas. Yung kwintas na binili nya kanina.

Hinanap ko sa bag ko, sa bulsa ko, pero, di ko pa yun hinuhubad.

Napilitan tuloy akong lumabas ulit kahit madilim na. At kahit malakas pa din ang ulan.

Kuya Jake, sandali ahh. May hahanapin lang ako.”, sigaw ko at tumakbo na ko.

Dala ko yung flashlight na gamit kanina ni Kuya Jake. Hinanap ko sa lahat ng dinaanan ko. Kahit sa palibot ng puno, wala.

Shocks asan ka ba?”, bulong ko.

KYLA!”, malakas na sigaw ang naring ko. Si Kuya Jake yun, sigurado ako. Pero di ako sumagot.

KYLA!”, patuloy na sigaw nya pa rin.

Pabalik na ko, at sasagutin ko na dapat ang mga sigaw nang bigla akong natumba.

Naramdaman ko pa ang sakit nang pagbagsak ko.

Kuya Jake! Sorry. Nawa–”, nasambit ko pa pero di ko na natapos pa.

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon