Pagkatapos, nagsimba kami. Tapos nagpunta kami sa Mall. Tas kumain ulit.
May pinasukan kaming isang store dun ni Kuya Jake. Na puro Dress. Si Kyla naman at Kuya andun sa mga sapatos.
“Welcome Sir! Ano po bang color ang gusto nyo? Para po ba sa Girlfriend nyo?”, sabi ng Saleslady sabay tutok ng kamay sa’kin.
At para inisin ang tindera, “KUYA JAKE ayun ohh!”, sabi ko.
“Hahaha. Siraulo ka talaga Kyla!”, sabi nya. Na halatang tawang-tawa.
“Ayy Sir. Sorry po. Kapatid nyo po pala sya. Akala ko po Girlfriend nyo. Bagay po kasi kayo ehh. Sorry po ulit.”, sabi ng Saleslady.
Napatingin ako kay Kuya Jake. “Huwag mo nga kong titigan ng ganyan Kyla! Nai-inlove ako sa mata mo ehh.”, sabay ngiti at akbay sa’kin.
“Asan na ba kasi si Ella at si Kuya?”, sabi ko.
”Gala din yung kapatid mo e’no!?”, sabi ni Kuya Jake at napatingin ulit yung Saleslady sa’min.
“Ayy. Sorry po talaga.”, sabi nya ulit.
Nang makita namin sila Ella, kinuwento namin sa kanila yung nangyari. Tawa din sila ng Tawa.
Sunod naman may pinasukan kaming Jewelry Shop. At sila Ella, wala na naman. Bumili ng Ticket namin para sa Cinema.
“Good day Sir. Come in.”, bati sa’min ng Saleslady.
Nagtetext ako nun habang si Kuya Jake, namimili ng kwintas. Para ata kay Ella. Ang palad ko kung para sa’kin yun.
“Sir. Necklace po? Para po ba sa kanya?”, narinig kong sabi ng Saleslady. Sabay tutok ng kamay sa’kin.
“Yes. Ano bang babagay sa kanya?”, tanong ni Kuya Jake.
“Sir eto po. Kadalasan po talaga yang binibili ng mga boys para sa Girlfriend nila.”, sabay bigay ng Necklace na may Diamond na Pendant.
Hindi ko alam kung ba’t di nag-react si Kuya Jake sa sinabi nung babae.
“Kyla. Tara dito dali!”, tawag sa’kin ni Kuya Jake at sumunod naman ako.
“Ohh. Tignan mo nga kung bagay sa’yo.”, sabi nya.
“Sa tingin mo?”, tanong ko.
“Oo.”, sagot nya.
“Edi oo. Hahahaha.”, sabi ko.
“Sir, bibilhin nyo po?”, tanong sa kanya ng Saleslady.
“Yup.”, sagot ni Kuya Jake.
Natatawa na naman ako dahil sa narinig ko. At para mang-inis ulit. “Kuya Jake!?! Si Ella ba di mo bibilhan?”, tanong ko.
“Ayy sorry po. Akala ko po Girlfriend nyo sya. Sorry po ulit.”, sabi ng Saleslady.
“Okay lang. Magkano ba yun?”, sabay bayad.
“Kuya Jake? Si Ella nga, di mo bibilhan?”, sabi ko ulit.
”Si Kyle ng bahala sa kanya, basta akong bahala sa’yo. Okay?”, sagot nya.
Pagkabayad nya, sinuot nya sa’kin yung kwintas.
“Kyla, tara dali, suotin mo.”, sabi nya.
“Akin na talaga yan?”, tanong ko.
“Oo. Bayad ko.”, sabi nya.
“Bayad sa’n?”, tanong ko.
“Basta!”, pinatalikod nya ko. Sinuot yung kwintas sa’kin at pinagtinginan kami ng mga tao.
‘Bagay sila ‘no!?’
‘Ang sweet nung dalawa ohh!’
’Sana ganun din si Kurt sa’kin.’
Sari-saring papuri ang narinig ko. At para mang-inis ulit.
“Kuya Jake!?! Sila Kuya nasan na ba?”, tanong ko.
’Sayang!’
’Ayy. Magkapatid pala!’
’Bagay pa naman sana sila.’
Paglabas namin ng Jewelry Shop, tawa ng tawa si Kuya Jake. Ang lakas ko daw mang-asar.
Hinanap namin sila Ella. At kinuwento ko rin ang nangyari.
“Pero, ba’t nga pala di nag-react si Kuya nung sinabi ng babae yun?”, tanong din ni Ella.
“Ewan ko din ehh.”, sagot ko na lang.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
أدب المراهقينTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?
