“Hey! Ms. Beauti–”, di na natapos ang sasabihin nya.
“Kuya Jake!?!”, gulat na sabi ko.
“Isang babaeng maganda, nag-iisa sa lugar na kagaya nito?! Ba’t ba kasi wala kang kasama? Pa’no kung mapahamak ka? Edi–”, pinigil ko ulit ang pagsasalita nya.
“Edi wala ka ng aasarin? Wala ka ng lolokohin?! Ganun ba yun?”, asar kong sabi.
“Edi wala ng bestfriend si Ella. Hindi pa po kasi tapos.”, at natawa pa sya.
“Pwede na ba kong makakita? At pwede pakibitawan na rin ang mga kamay ko?”, sabi ko na lang.
“Kung ayaw ko? Pero syempre joke lang.”, ang pangloloko nya pa.
Pagka-bitaw nya sa’kin ng dahan-dahan ay nagulat ako dahil hinawakan nya ang mga balikat ko at iniharap sa kanya.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nagka-interest na titigan sya sa mata, sa mukha nya.
At oo, aaminin ko, gwapo sya!
At aminado ko sa buong mundo, na sa kanya pa lang tumibok ng ganun kabilis ang puso ko. At sya ang nagbubukod-tanging lalaking tinitigan ko sa mata ng halos umabot ng kalahating minuto.
“Maiba pala ko Kuya Jake! Ba’t nga po pala andito ka?”, tanong ko na parang walang nangyari.
“Alam mo Kyla, ‘wag ka nga mag-po. And don’t call me Kuya Jake, parang ang tanda ko na masyado ehh.”, nahihiyang sagot nya.
“Bakit, hindi ba?! Pero, bakit ka nga andito?”, tanong ko ulit.
“Ang dami mong tanong! Tara na nga! Pumunta na tayo sa Mall! Don’t worry, ite-treat kita!”, sabi nya.
“Ha?! –Ehh. –Bakit? –Sino nagsabi sayo? Si Ella ba?. Teka, ‘wag! Ayo–“, ng bigla nyang takpan ang bibig ko.
“Tara na nga diba? Akong bahala sa’yo!”, sabay hila sa’kin.
At, na naman. Hinawakan nya ulit ang mga kamay ko.
At, the same feelings na naman ang na-feel ko. Grabe! Hindi ako ganito sa mga crush ko. :O
Si Ella?? Ella Jane Ramirez. Kapatid sya ni Kuya Jake.
Sya ang natatangi kong bestfriend. Makulit, mapang-asar gaya ng Kuya nya. Sobra talaga syang mapang-asar.
Mga bata pa lang kami, ang parati nyang pinapaulit-ulit na salitang sinasabi sa utak ko ay, “Uyy! Kyla! Bagay talaga kayo ni Kuya! Seryoso ako!”, at kahit andyan sila Tita’t Tito sinasabi nya yun.
At ang masaklap ina-agreehan naman nila si Ella, sa harapan ni Kuya Jake. Hayy naku!
Spell, ’NAKAKAHIYA’?! >//<
Siguro dahil, ayaw lang nila ng babaeng iba or gusto nila, yung kilala nila.
Kasi ayon din kay Ella, wala pang naging Girlfriend si Kuya Jake at wala pa ’tong niligawan, pero daw marami ‘tong Crush.
Oo! Alam nya lahat yun. Ganun sila ka-close ng Kuya nya.
Open daw kasi si Kuya Jake sa Family nila, especially kay Ella.
Di tulad ng Kuya ko. Na parang laging galit sa Mundo. Kulang na nga lang maging bato sa sobrang tahimik at manhid ehh.
![](https://img.wattpad.com/cover/4523241-288-k695542.jpg)
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Teen FictionTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?