Nagising na ko. 6 am? Tas may pasok pa.
Pagkagising ko, iba na yung suot ko? Na naman?
Sinong nagpalit sa’kin? Si Kuya Jake ba? Naku patay!
Sabay hawak ko sa buo kong katawan. Hinanap ko si Kuya Jake sa buong kubo, pero wala.
Sumilip ako sa bintana, ang dami ng nagtatanim. I mean, magsasaka pala.
“Goodmorning po Ma’am.”, bati nilang lahat.
“Magandang umaga rin ho.”, sagot ko.
“Si Jake ba ang hinahanap mo Hija?”, tanong ni Aling Ising.
Kilala ko sya matagal na.
Nung unang punta namin dito sya din ang nag-asikaso sa’min. Kaya kilala ko na sya.
“Opo. Asan po ba sya?”, tanong ko.
“Hala! Lumayas. May hahanapin daw ehh. Hali ka na’t kumain ka na. Nagluto ako ng Sopas. Dali. Hangga’t mainit pa.”, sabi nya.
”Hahanapin? O sige po. Susunod na po ako. Maghihilamos lang ho ako.”, sabi ko.
”O sya sige. Dalian mo.”, sabi ni Aling Ising.
Nakita ko yung phone ko, full charged na. Kagabi, basa lang ‘to ahh.
Tinawagan ko si Kuya Jake. Nag-ring, pero andun pala yung phone nya sa lamesa.
Kinuha ko. ”Li’l Kyla ’I ♥ ü’ ^^“ ang pangalan ko sa contacts nya.
Napangiti ako. At tapos nun, lumabas na rin ako. Kumain at nakisabay din ako sa mga nagtatanim. Magsasaka pala.
”Ang taas ng lagnat mo kagabi Kyla.”, si Aling Ising.
”Talaga po? Kayo po ba ang nag-asikaso sa’kin?”, tanong ko.
“Hindi. Si Jake. Ginising nya lang ako, at palitan daw kita ng damit. Puyat na puyat nga yun kakabantay sa’yo. Wala na kasi akong kulambo kaya sige ang bantay nya sa’yo kagabi. At baka kagatin ka ng lamok. Pero kaninang umaga mga alas-tres nung pagkagising ko, pinatulog ko na sya. At mga 5:30, umalis din sya.”, sabi ni Aling Ising.
”Ganun po ba? Salamat ho ahh.”, sabi ko.
Ang tagal ni Kuya Jake. 1 hr. na ata syang wala.
Kaya sinundan ko na lang sya. Siguro andun sya sa puno.
At tama ako. Andun sya. Pero di ko sya tinawag.
Tinatanaw ko lang ang ginagawa nya habang nakatago ako sa isang puno.
Nakita kong may pinulot sya. Yung kwintas! Yun pala ang hinanap nya.
“Grabe ka! 2 oras din ata kitang hinanap. Andyan ka lang pala.”, narinig kong sabi nya.
BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Novela JuvenilTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?