Magkatabi si Mommy at Daddy. Sakto bumaba din si Kuya. Nakatayo pa kami ni Ella, dahil nasa Kitchen pa kami.
Nung pagbalik namin sa hapag, nagmadali sya na tumabi kay Kuya, dahil gusto nyang ang katabi ko ay ang Kuya nya.
Buti na lang 8 yung upuan, uupo na sana ko dun sa isa pang space sa tabi ni Kuya, nang biglang . . .
”Kyla, dito ka na ohh.”, si Kuya Jake.
Umupo na lang tuloy ako sa tabi nya.
Habang kumakain, ewan ko kung ba’t sila tawa ng tawa tas ako kumakain lang.
”Kyle. May gagawin ka mamaya? Basketball tayo?”, sabi ni Kuya Jake.
”Wala naman. Sige. Dito na lang tayo sa bahay. Mga 3?”, sagot nya.
Himala ata ang saya ng kapatid ko. Bakit? Dahil? Katabi nya si Ella?!
Oo, tama, naalala ko dati sinabi sa’kin ni Ella na may gusto sya kay Kuya, at nahuli ko si Kuya na nagda-drawing ng picture ni Ella.
Tapos nung hiniram ko yung laptop nya, ang screensaver ay yung picture nila ni Ella.
Hindi kaya yung T-shirt kahapon ay pinabili rin ni Ella?
“Bingo!”, sabi ko.
“Bakit? Okay ka lang?”, si Kuya Jake.
”Oo. May naalala lang ako.”, sagot ko.
At ang lahat ay nakatingin lang sa’min ni Kuya Jake.
”Kuya? Sama ka magsimba?”, tanong ko.
”Sinu-sino kayo?”, tanong nya.
”Kami ni Kuya Jake.”, sagot ko.
”Uhmm. Ayo–”, sagot nya.
”Atsaka si Ella.”, sabi ko.
”Ayoko sana ehh. Pero sige! Jake, mag-mall na lang kaya tayo? Huwag na tayo magbasketball.”, sabi nya.
“AHAHAHAHA!! Natatawa ko.”, sigaw ko.
“Kyla. Okay ka lang ba talaga?”, si Ella.
”Oo. Ganyan talaga yan.”, si Kuya, sabay ngiti.
At naintindihan ko kung ano yung ngiti nya. Nagets nya kasi kung ba’t ako tumawa.
”O sige. Next week na lang tayo magbasketball.”, si Kuya Jake.
“Kumain nga muna kayo. Bago kayo mag-usap.”, si Daddy.
”Dad. Papasok ka po?”, si Kuya.
“Hindi bakit?”, sabi ni Daddy.
”Ikaw Mommy, aalis ka?”, tanong ko naman.
”Oo. Aalis kami ng Daddy nyo.”, sagot naman ni Mommy.
“Ganun? O sige.”, sabi ni Kuya.
“Mag-commute na lang tayo.”, sabi ko.
“Mag-iingat kayo mamaya ahh.”, si Mommy.
“OPO.”, sabay sabay na sagot naming apat. At sabay tayo.

BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Novela JuvenilTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?