At regarding sa nabunot ko, para sa’kin madali lang yun. As in.
Kasi makulit nga ko, masiyahin, madaldal at mapagbiro.
At ako iiyak? Sa harap ni Kuya Jake? Parang imposible.
Kasi sa 4 na tao pa lang ako umiyak. Kay Mommy at Daddy, kay Ella at kay Kuya.
Pero, ba’t kanina? Yun pa din ang di ko maintindihan.
Nasasaktan ba talaga ko? Kung oo, bakit?
Hindi ko naman sya minahal ahh. Pero, hindi nga ba talaga?
At kung oo, isa lang ulit yung tanong ko, BAKIT?!
Bakit ba kasi sya pa?
Bakit yung Kuya ko?
Bakit ko ba sya nakilala?
Bakit dumating pa ang February 19, 2010?
Bakit ba kapatid sya ni Ella?
At bakit, bakit sya yung minahal ko samantalang ang daming lalaki sa mundo?
Muli, tumulo ulit yung luha sa mga mata ko.
At bigla ring, pumatak ang mga luha ng langit.
Para bang, alam ng langit yung nararamdmaan ko.
Basang-basa na ko. Naliligaw na nga rin ata ko.
Basa na rin yung phone ko, kaya di ko rin matawagan si Kuya Jake.
Tas may nakita kong ilaw. Maliit lang, parang flashlight.
May kumaluskos. Papalapit sa’kin. Tumakbo ko.
Natatakot na talaga ako. Gabi na rin. Madilim at umuulan.
At isa pa, babae ako. Matapang ako, oo.
Pero kung ganitong sitwasyon, oo na! Duwag na ko!
Nagtago ako sa likod ng malaking puno kung saan nakataga ang mga Dare namin at tumukmo at tinakpan ko ang mga bibig ko para di marinig ang pag-iyak ko.
At maya maya, wala na yung ilaw. Umiiyak pa rin ako.
Sobrang dilim na talaga. Kinikilabutan na rin ako. Wala na nga bang tao?
Mga ilang minuto rin ang dumaan at sobrang lakas na din ng ulan.
Nang pagtayo ko, may humila sa’kin. At tinakpan nya ang mga mata ko. At hinawakan ang kamay ko.
Pinapakiramdaman ko yung sarili ko kung si Kuya Jake ba yun.
Pero, wala kong maramdaman. Natatakot pa rin ako at iyak ng iyak.
Ang bilis ng tibok ng puso ko, hindi dahil alam kong walang mangyayari sa’kin, kundi dahil pakiramdam ko ay meron.
Maya-maya binitawan na lang nya ako. Iniharap sa kanya, at tinitigan ko sya.
Madilim kaya di ko makita ang mukha nya. Pero pinipilit ko pa ring kilalanin sya. Nang bigla syang nagsalita.

BINABASA MO ANG
Truth or Dare
Teen FictionTruth or Dare? Which will you take? Which will you choose? Which will you follow? The true dare? Or the real truth?