Chapter 15

78 6 0
                                    

Alam mo? Nakakainis ka. Da’t pala di na kita binigay kay Kyla. Tignan mo, kagabi nilagnat pa sya, buti na lang kaninang umaga nawala. Tas kagabi, lumabas pa sya, kahit umuulan, dahil sayo. Sana ako na lang ikaw. Para ganun din sya ka-concern sa’kin. Uii, ikaw. Kahit brineak na ni Kyla yung Dare sa kanya ni Ella, kahit talo na sya, at kahit wala na yung dare, kahit tapos na, patuloy ka pa din ahh. Patuloy kang mag-exist sa kanya, para sa’kin. Iparamdam mo lahat ng bagay na di nya maramdaman sa iba. Kahit wala na yung dare, gusto ko pa rin ituloy yun. Alam mo, bata pa lang kami, gusto ko na si Kyla. Kaso kasi, bawal. Kapatid lang ang turing nya sa’kin. At ang alam nya, yun lang din ang turing ko sa kanya. Dati parati ko syang inaasar, di para mang-inis kundi para mapansin nya ko. 2 araw pa lang kami nagiging close. Pero feeling ko, ang tagal na namin nagpalitan ng talambuhay. Pero kulang pa din yun ehh. 2 araw?? Tas ngayon pakiramdam ko galit sya. Basta ha. Ikaw na kwintas ka, ikaw yung maging way para iparamdam mo na special sya para sa’kin. Ang O.A. ko ’no?! Kinakausap ko yung sarili ko ng mag-isa. Basta! Isa lang yung alam ko.Mahal na mahal ko si Kyla. Pero sya, ganun din kaya?”, narinig ko lahat ng sinabi nya.

At napangiti ako. Nakatingin sya sa kwintas nun, nang bigla akong magsalita.

Sana ako na lang yung kwintas. Sana sa’kin mo na lang sinabi lahat. At sa huling tanong mo, isa lang ang sagot ko, OO.”, sabi ko ng nakangiti at tumulo ang luha ko.

Kyla!”, bigla syang napatayo at napatingin kung sa’n nanggagaling yung boses ko. Pero di ako nagpakita, tumakbo ako at bumalik sa kubo.

Inayos ko na ang mga gamit namin. At tinawagan ko si Mommy.

Hello!? Kyla. Kamusta kayo dyan? Ang lakas ng ulan kagabi ahh. At ’wag kang mag-alala, suspended ang pasok ngayon dito sa lugar natin.”, si Mommy.

Okay naman po. Nilagnat ako kagabi. Pero binantayan po ako ni Kuya Jake. Andito rin po si Aling Ising.”, sagot ko.

Ganun ba? Mabuti naman. Susunod daw dyan sila Kyle at Ella ahh.”, si Mommy.

Sige po. Mamaya na lang po kami uuwi. Sige Mommy, mag-aayos po muna ako.”, sabi ko. Dahil nakita ko na si Kuya Jake. Parating.

O sige anak. I love you.”, si Mommy.

I love you too. Bye.”, tas binaba ko na yung phone saktong pasok ni Kuya Jake.

Sinong kausap mo?”, tanong nya.

Ha? Ano? Uhmm, si Mommy.”, sabi ko.

Talaga?”, tanong nya.

Hindi na ko sumagot at pinakita ko na lang ang Dialed Entries ko.

Tinawagan mo pala ako.”, tanong nya.

Yup. Sandali Kuya Jake, ikukuha kita ng Sopas ahh.”, sagot ko.

Akma na kong lalabas, nang bigla nyang hilahin ang kamay ko.

Eto na naman, yung pakiramdam ko.

Yung puso ko. Ang bilis na naman ng tibok.

Sandali Kyla! Sumunod ka sa’kin, di ba? Narinig mo lahat ng sinabi ko?”, tanong nya.

Tumango lang ako. Ngumiti sya at niyakap ako.

Kailan pa?”, tanong nya.

Kahapon ko inamin sa sarili ko, pero base sa totoong nararamdaman ko, matagal na siguro.”, sagot ko.

Hindi sya sumagot at mas humigpit lang ang yakap nya.

Ilang segundo ang dumaan at bumitaw na rin sya sa pagkakayakap sa’kin.

Tinitigan nya ko sa mata, at yung mga matang yun ang nagsasabing, ’Mahal kita Kyla!’

Mahal din kita.”, sagot ko at hinagkan nya ko sa noo.

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon