8

10.4K 210 2
                                    


At ngayon andito nako sa mall malungkot habang bumibili kasama ko si manang lorna. Namimili ako ng damit. At hindi ako makapamili dahil ang daming sumasagi sa isip ko.

Naka pink dress ako ngayon na pumantay sa maputi at mahaba kong buhok. Kakabili lang ni manag lorna itong dress sa palengke pang reregalo sa kanyang anak kaso nakita niya daw ako na walang dami na maisusuot na pang alis kaya eto na binigay niya saakin.

Hindi ko naman hahayaan na walang regalo si manag lorna dahil sa akin kaya tumingin narin ako ng dalawang dress para sa kanyang anak.

Ikot kami ng ikot nag hahanap ng mura kase nakaka guilty naman 500 pesos isang croptop ba naman ay wag na.

Pero naka kita naman ako ng mas affordable kase naka sale at dun na nga ako bumili. Eto may mga napili ako kaso hindi ko dinamihan sapat na 1 week lang to kaya lalabhan ko nalang.

Mas mahalaga yung panty at bra hehe.

Habang palingalinga sa mall  ay may napansin akong dressing table sa furniture store malapit lamang ito sa entrance kaya kitang kita ko kung gaano kaganda to.

Hindi ako mag dalawang isip na pumasok doon at para matignan ito ng malapitan.

May malaking mirror square shape sa gitna na parang may led lights kulay puti at yellow.at  nasa bawat gilid o kabilaan nito ay may parang kabinet na pwedeng lalagyanan ng pabango, lotion mini bags o kahit ano para sa babae.

At sa ilalim din ng table ay may sliding flat na aparador kung saan pwede mong lagyan ng mga make up at sa baba nito ay may malaking espasyo na cabinet kung saan pwede mong ilagay yung pwedeng pang curly ng buhok, straight at marami pang iba.

Mula nung pag kabata ko eto na ang pangarap ko yung mag karoon ng sariling dressing table. Ang kaso hindi ko mabili bili dahil una nag iipon ako palagi pangalawa at pangalawa yung gastisin sa pangangailangan.

"Hello ma'am How may I assist you po?"

Biglang lapit saakin ng babaeng naka pang uniform sa kanyabg work.

"A hello gusto ko lang malaman kung mag kano to"
"Yung white modern design dressing table po nas 50 thousand po"

Nanlaki naman ang aking mata dahil sa presyo grabe naman parang ilang yrs kong pag iipunan para lang makaipon ng ganyang halaga.

"G-ganun po ba a sigii salamat tumingin tingin lang"

Yumuko ako bilang pag galang at saka lumabas sa store na yun.

"Ma'am kc bakit napo kayo lumabas parang gustong gusto niyo yung dressing table na yun ang ganda po kaya"

"Oo sobrang ganda ang kaso sobrang mahal naman"

"Ay ganun po ba sayang naman mukhang marami kaseng gustong bilhin yun tignan nyo po oh"

Tumingin ako sa mag asawang pumasok kung saan ako galing kanina naka hawak ang kamay ng babae sa siko ng kanyang kapartner habang tinatanong sa mga saleswoman ang dressing table na pinag tanungan ko kanina.

Tingin ko mabibili naman na nila yan mukha silang may kaya.

Nalungkot tuloy ako mukhang walang pag asa na balikan ko to.

"Ta-tara na alam ko namang mabibili na nila yan e sayang lang yan kase ang gusto kong bilhin nung bata pa ako"

"Bakit hindi nyo na bilhin ma'am e card naman po ng asawa nyo ang gamit gamit nyo"

Umiling ako.
"Ayaw ko masyado naman akong mapang abuso ang dami na nga nating bitbit nasa 20k na to tapos bibili pa ako nun nakkahiya kay lorenzo kahit na asawa ko pa sya " sabay tingin ko ulit sa bagay na matagal ko ng pinapangarap.

"Ang buti nyo naman po ma'am kaya siguro nagustuhan kayo ni sir lorenzo hmm ni isa wala pang pinakilala yan sa magulang nya o dinala sa bahay nya kundi kayo palang hindi lang bilang girlfriend kundi asawa "

Natawa naman ako ng mariin kay manang.
"Kayo talaga manag tara na nga nambobola papo kayo"

"Ay hindi totoo yun -" at nag simula na kaming mag lakad

Nag karoon ako ng interest ng simulang mag kwento si manang lorna tungkol kay lorenzo.

"Noong hindi papo kayo dumadating sa buhay ni lorenzo talagang nakakatakot ang aura niya yun bang mahahalata mo sa kanyang ayaw nyang makisalamuha sa tao , yung mga magulang ni sir Lorenzo laging may pinapalink sa kanya tawag dun arranged marriage o blind date pero hindi siya pumapayag kaya ginagawa ng asawa nyo ang lahat para mapanatilihing maayos ang pag papatakbo ng jisuo company dito sa pilipinas."

Napatango naman ako sa sinabi ni manang bakit ako naging curious sa buhay ni lorenzo.

"Hmm"

"Pero balita ko rin na may fiancée si Sir lorenzo 1st love tapos kababata pa ang kaso nag cheat kaya ayun  nag hiwalay. Wag nyo nalang po sabihin sa kanya ma'am a"

Nang mabanggit naman yun ni manang ay hindi ko maiwasan ang kakaibang nararamdaman, malungkot? Ewan parang ganun hindi ko alam kung saang part ng kwwento nimanang ako nalulungkot.

Kung hindi ba nag cheat yung 1st love niya mag lalandas ba ang aming tadhana para mag kakilala at maging asawa? O sobrang saya nya kase -

Ayaw kong maramdaman to kase sino ba naman ako asawa lang kami sa papel.

Wag kang affected Kc kase hindi mo naman mahal ang taong yun. Nahuhumaling kalang dahil sa kabutihan at kagwapohan nya.

Napailing nalang ako sa kawalan.
"Pa-pasyensya na ma'am kc hindi ko sinasadyang saktan kayo pe-pero dati po yun tyak chismis lang pero ngayon ibang iba na"

"Haha ano kaba Manag ayos lang yun ganun talaga may mga tao na hindi natin maiiwasan na may nakaraan"

"Pero promise ma'am kc sana wag na kayong mag hiwalay ni sir Lorenzo dahil kayo ang dahilan kung bakit nabigyang kulay ang kanyang buhay ,alam nyo yun "

"Oo na manang lorna hmm tara saan nyo gustong kumain wag ho kayong mahiya dahil nasaakin naman card ni lorenzo " sabay palita ko sa kanya ng card

"Hahah sa japanese restaurant ma'am "

"Tara na"

At pumunta na nga kami dun saka kumain

Nakarating na kami sa bahay mag aalas 8 na ng gabi bumungad naman saamin ang iba pang kasambahay ni lorenzo.

"Ay ma'am akina po yan"
"Salamat pakidala nalang sa taas tyaka bumili din ako ng prutas ako nalang mag lalagay"

"Wag na ma'am ako napo bahala ilalagay ko nalang sa kusina"

"Salamat talaga hehe amh nga pala andyan naba si lorenzo?"

"A yung Gwapo nyong asawa ma'am hindi pa po umuuwi"

"Aa ganun ba osigi"

napahinga nalang ako ng malalim saan kaya sya nag punta? Sana umuwi na sya ng maaga.

He married me (COMPLETE) Guenco #1.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon