Hindi ko alam kung bakit ako nagpunta rito. Basta noong tumakbo si Blake ay sumunod kami ni Jupiter.
“What is happening? Ilang oras na si Mama sa loob!” sigaw ni Blake nang makitang may lumabas na healer mula sa kwarto ng ina niya.
Hindi sila pinayagang makapasok maliban kay Sir Ash. Ramdam ko ang tensyon sa paligid. May mga taong nag-aabang sa labas ng packhouse at naghihintay ng balita. The hunters and warriors had to guard the front of the house to avoid anyone from coming in. For now. Hindi ko nga alam kung bakit hinayaan nila akong makapasok. Siguro dahil akala nila kasama ko si Blake. At dahil nandito si Ma'am Fiona nang nag-labor ay hindi na siya naihatid pa sa Magic World kaya ang healers na ang nagpunta rito.
“She's having a hard time delivering the baby, Sir. It is consuming all her energy and we're afraid she'll pass out even before doing one push. We are asked to ask for more healers to at least comfort and give her additional strength,” ani ng healer.
“You could take mine,” Ley Anne, who was quiet since earlier, suddenly said.
Umiling ang isa. “We need energy that isn't weak or strong. A practiced and calm energy. We can't risk your raging energy get into your mother, Ma'am. Excuse me.”
Nang makaalis ang healer ay muling natahimik ang lahat. Napasandal si Ley Anne kay Mars na tila nanghihina. Ramdam ko naman ang hindi pagkalma ni Blake. The Luna and the Alpha were talking in a hushed tone. Their kids are not yet here.
“Sit the fuck down, Blake! You're making me more restless!” inis na sigaw ni Ley Anne pagkatapos ng ilang minuto.
Blake's gaze snapped at her. “Do not speak to me like that.”
“You're being a pussy,” she hissed. “Get your ass here and calm down!”
Blake's eyes turned red. “Do. Not. Speak. To. Me. Like. That,” he darkly repeated.
“Ash Blake, keep your emotions at bay,” mahinahong pagpigil ni Miss Ashley sa kapatid.
“Tell your sister to learn how to respect her older brother,” he snapped at no one in particular and turned his back on them.
Nagulat ako nang dumapo ang pula niyang mata sa akin. Natuod ako sa kinatatayuan ko habang tinititigan kung paano muling bumalik sa natural na kulay ang kan'yang mata. Pakiramdam ko ay hindi ako huminga o kumurap man lang habang pinakatitigan siya.
“Come here,” masungit niyang utos.
Hindi agad ako nakapagsalita o nakakilos. Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap niya pero sa akin naman siya nakatingin.
“Aurora Amaranthine! I said, come here.” Nilahad niya sa akin ang kan'yang palad.
What does he want from me now?
Inabot ko ang kan'yang kamay at agad niya akong hinila papunta sa tabi niya. Pumulupot ang kan'yang braso sa baywang ko at ibinaon niya ang kan'yang mukha sa aking buhok. Ramdam na ramdam ko ang marahas na pag-amoy niya roon.
“B-Blake...” awat ko sa kan'ya sabay lingon sa mga kasama ko.
Jupiter was grinning stupidly at us while the others were just staring at us with a small smile, except for Ley Anne.
Muli lang kaming nabalik sa totoong kalagayan namin nang sunod-sunod na pumasok sa loob ng kwarto ng ina ni Blake ang healers na mabibilis ang kilos. Sampu silang lahat kasama na ang babaeng kumausap sa amin kanina. Lahat sila ay puti ang suot at may hood din na suot sa ulo.
Bago pa masara ng panghuling healer na pumasok ang kwarto ay nagsalita na si Miss Ashley.
“Please... Please save my mother,” nagsusumamamo niyang pakiusap.
BINABASA MO ANG
Embracing the Burning Passion
FantasySLOW UPDATES | COMPLETED Ash Blake Evergreen McKnight, a vampire-God, was thrilled when he met the new talk to the town "visitor" of La Luna pack. Aurora Amaranthine Avar. With triple A in her name, a new-found hybrid raised in Mortal World, a feist...