"I guess, no more chasing anymore?"
I stared at him. "Santi, it's you..."
He smirked. "You sound surprise. I thought you already knew?"
"Pero bakit..."
"Natunugan kong malalaman mo na ang totoo noong nagpunta ka sa pack ni Alpha Ashton. Alam kong alam mo na dahil alam kong nakita mo ako kahapon, Aurora. Nandoon ka, hindi ba? Nakita mong nawala ako kasama ang nilalang na iyon? You can't even look at me earlier in the eyes. Are you disgusted of me now?”
Hindi ako makapaniwalang parang wala lang sa kan'yang nalaman kong siya nga ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng 'to. Parang hindi man lang siya nagalit o natakot sa magiging reaksyon ko.
"Ang hindi ko maintindihan, bakit mo 'to nagawa? Anong rason mo?" may hinanakit kong tanong. Parang biglang nawala ang galit ko at napalitan ng desperasyong maintindihan siya dahil bakit? Bakit nga ba siya umabot sa ganito? Anong nagtulak sa kan'yang kalimutan ang lahat at gawin ang lahat ng ’to?
"Pinagtaksilan mo ako—kami, Santi. Lahat ng naniwala sa 'yo, dinismaya mo. Kaya bakit? Bakit mo pinagpalit ang tiwala at pagkakaibigan natin para lang rito?" muli kong tanong.
May emosyong dumaan sa mga mata niya bago agad na nawala. Mabilis lang iyon pero alam ko kung anong nakita ko. Sadness.
"Pinagpalit ko ang tiwala at pagkakaibigan natin hindi lang para rito. Pinagpalit ko ang lahat para sa 'yo, Aurora. Hindi para sa ibang rason, kung 'di para sa 'yo."
Mas dumikit sa akin si Blake pero hindi ko siya nagawang pansinin.
"Anong gusto mong sabihin, ha, Santi? Na ako ang dahilan kung bakit nangyayari 'to?"
"Oo," matigas niyang sagot. "Ginagawa ko 'to dahil sa 'yo. Dahil manhid ka at hindi mo ako makita kahit anong pagpapansin ko sa 'yo."
Napahawak ako kay Blake. Tahimik lang siya sa tabi ko pero ramdam ko ang tensyon niya habang nakikinig sa amin. Kahit ako ay hindi nagugustuhan kung saan papunta ang usapang ito.
"I am not after the seed in your womb, Aurora. I am after you," he said harshly.
Blake possessively put his left arm on my waist. He was visibly gritting his teeth as if he's angry and just trying to control his temper.
"What do you mean by that, Santi?" matapang kong tanong. I don't like the sound that he's blaming me for his actions.
Natawa siya. "See? Too oblivious. Too naive."
"What do you mean by that?" mas mariin kong pag-uulit sa tanong ko.
"I'm in love with you."
"Shit," Blake cursed.
I held his arm gently, silently reminding him not to lose his temper.
"I've been in love with you for years now, Aurora! And it's sad you never saw me more than your friend. You never saw me as a man— as your man. How hard was it for you to love me back, huh?"
"Shut up," Blake hissed.
Santi laughed. "And there goes your so-called mate. Do you know how you ripped off my heart when I found out that you found your mate? I could still stand not having you for myself if there's no one else in your life, but this..." Umiling siya. "I can't let you go, Aurora. Not to him, not to other men."
"She was never yours," Blake said with venom in his tone.
"And she'll not be yours, either," Santi countered.
BINABASA MO ANG
Embracing the Burning Passion
FantasySLOW UPDATES | COMPLETED Ash Blake Evergreen McKnight, a vampire-God, was thrilled when he met the new talk to the town "visitor" of La Luna pack. Aurora Amaranthine Avar. With triple A in her name, a new-found hybrid raised in Mortal World, a feist...