It's been almost two weeks when I told my parents about the purebloods. Simula noon ay hindi rin sila natigil kakakontak sa akin, tinatanong kung nagparamdam na ba si Alpha Ashton. Ilang beses ko rin silang sinabihan na tatawagan ko naman sila kung sakaling nagparamdam nga. They have to calm down for Pete's sake!
Halos dalawang linggo simula noong napunta ako sa ibang mundo ay parang bumalik na sa dati ang buhay ko. It almost felt like what happened to me days ago was only a dream. I only hoped it was.
Palagi na rin akong sinasamahan ni Jacques sa trabaho ko. Hindi ko alam kung nandito ba siya para bantayan ako o para bantayan ang pagdating ng mga inaasahang bisita namin.
"Do you think they'll come?" biglang tanong niya sa akin habang lumalagok ng beer.
"I don't know. The Alpha only said he'll visit, but he never said when. It could be tomorrow, the next week, next month, or even next year!" frustrated kong sagot. I am so tired of them asking me that question!
Jack sighed. "Sorry, babe. Can't help but feel anxious and excited."
I only rolled my eyes. Medyo maraming tao ulit sa bar dahil Friday. Ako ulit ang naka-assign sa counter kasama ang isa ko pang bartender na si Arthur. Siguro ay next week, magha-hire na ako ng additional people rito sa loob.
"Ewan ko sa 'yo, Jack. Hindi ka naniniwala sa akin pero 'yang reaksyon m-"
Sabay kaming natigilan nang biglang nakaramdam nang kakaiba. It was like a force... a force of power slowly approaching us.
"They're here," I breathed.
Napasinghap si Jacques at biglang napatayo. Tinitigan namin ang bukana ng entrance, halos hindi na humihinga, habang hinihintay sila...
Napasinghap ako at napaiwas ng tingin naman si Jacques nang unang makitang pumasok sa loob si Alpha Ashton kasabay si Beta Mars na nakaakbay kay Ley Anne. Sa tabi niya si August at Akivel, at nasa likod naman nila si Blake. Agad niyang nahuli ang titig ko pero agad akong umiwas. Huminto sila sa harapan namin. Sinilip ko ang reaksyon ni Jack pero napansin kong hindi kay Alpha Ashton ang atensyon nito. Sinundan ko ang kan'yang tingin at bahagyang nagulat nang naka'y Blake at Akivel ito.
"Vampires..." mahinang sambit niya.
Nakuha noon ang tingin ni Blake. Aroganteng tumaas ang kan'yang kilay bago pinasadahan ng buong tingin si Jack.
"A hybrid alpha," ganti naman ng isa.
Alam kong gustong magalit ni Jacques pero hindi niya magawa dahil kaharap namin si Alpha Ashton. Siguro nagtataka rin siya kung bakit magkasama silang dalawa gayong bampira si Blake at werewolf si Alpha Ashton. Paano na lang kapag nalaman niyang anak ni Alpha Ashton si Akivel na isang bampira?
Marahan kong hinawakan ang balikat ni Jack at pinisil iyon para pakalmahin siya. Tumingin siya sa akin at nakipagtitigan. Tipid ko siyang ningitian, tahimik na nagpapahiwatig na wala siyang dapat ipag-alala.
"I suggest you remove your hands off that hybrid's shoulder, Amara."
Nagulat ako sa biglang pag-imik ni Blake kaya napalingon ako sa kan'ya. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit seryoso pa rin ang tingin sa akin.
Nilibot ko ang aking tingin at napansing nakakakuha na pala kami ng atensyon. Sino bang hindi mapapalingon kung puro matatangkad at poging lalaki ang nasa harapan namin?
"Art, ikaw muna bahala rito. Kakausapin ko lang sila," bilin ko kay Arthur na tahimik lang tumango. Nilingon ko naman si Alpha Ashton. "Sa office ko po tayo."
Lumabas ako sa counter at naunang maglakad papunta sa opisina ko. Hindi iyon ganoong kalakihan pero alam kong magkakasya naman kami.
"Can I party, Pa? Sayang naman kung hindi ako sasayaw. Ang ganda ng kanta oh!" ani August.
BINABASA MO ANG
Embracing the Burning Passion
FantasySLOW UPDATES | COMPLETED Ash Blake Evergreen McKnight, a vampire-God, was thrilled when he met the new talk to the town "visitor" of La Luna pack. Aurora Amaranthine Avar. With triple A in her name, a new-found hybrid raised in Mortal World, a feist...