10: Full Moon Pack

898 37 2
                                    

Halos dalawang oras ang byahe namin papunta sa Full Moon Pack. I know the Alpha of the pack. In fact, he's one of my friends before he fucked up.

Kasabay kaming lumaking apat ni Jacques, Evren, at Kuya Arzhel. Sabay din kaming nag-train bilang Alphas kahit na hindi dapat ako kasama sa kanila. Silang tatlo talaga ang magkaibigan. Sampid lang ako dahil gusto kong sumama sa kanila tuwing may training sila. Wala naman silang magawa roon dahil hindi ako nagpapatalo sa kanila. Doon ko rin naging ka-close si Jack at Evren. While growing up, Evren became more affectionate to me. Napansin iyon ng kapatid ko at ni Jack. Noong una ay akala ko gano'n lang siya—protective at possessive— dahil magkaibigan kami... pero hindi naman ganoon sa akin si Jacques. Protective, oo, pero hindi possessive. Jack treats me as his sister. He loves me like his sister. Evren, however, doesn't see me that way.

I was 19 when he confessed to me that he wanted me to be mated with him. He was claiming he loves me. Kalmado kong tinanggihan ang pagmamahal niya. I only see him as a friend and a brother. Hindi niya matanggap ang rejection ko. He still kept on pursuing me, and I also keep on rejecting him, telling him I don't love him that way.

Hanggang sa umabot sa puntong muntikan na niya akong markahan dahil sa pagiging desperado niya. He violated me and almost forced me to mate with him. That was my last straw. I completely cut ties with him. Since then, hindi ko na siya nakakausap maliban kapag may pack meetings. Ilang beses siyang humingi ng tawad sa akin at tinanggap ko iyon. I just don't know if I could take him back in my life.

"Alpha Evren is expecting us. All the Alphas and officials from the three packs had a meeting about this," ani Jacques.

Hindi ko alam ang about doon pero hindi na ako nagsalita pa. Kasama pa rin namin ngayon si Ley Anne at Blake. Nagulat kami nang makitang nasa sasakyan lang nila sila naghihintay. Ang sabi ni Ley Anne ay gustong sumama ni Blake.

Nasa iisang three-seaters SUV lang kami. May isang hunter na siyang nagda-drive. Sa tabi niya si Alpha Ashton. Nasa unang seat sina Beta Mars at Ley Anne. Nasa susunod na seat naman sina Akivel, August, at Blake. Nasa likod kami ni Jacques.

"Okay lang bang magkita kayo ni Evren?" mahinang tanong sa akin ni Jack.

Bahagyang sumilip si Blake pero agad din namang umiwas ng tingin. Kahit mahina ang boses ni Jack ay alam kong rinig na rinig pa rin iyon nila kaya tumango lang ako bilang sagot.

"Just tell me if he does something uncomfortable to you."

Tumango lang ulit ako. Ilang minuto lang ay natanaw ko na ang clearing hanggang sa tuluyang bumungad ang boundary ng pack ng Full Moon Pack. Nakaabang doon si Evren at ang iilang warriors niya.

Naunang bumaba si Alpha Ashton at sumunod naman kaming lahat. Halatang nagulat pa si Evren nang makita ako. Ilang buwan na rin noong huli kaming nakita.

"Aurora..." Ako agad ang una niyang pinansin imbes ang mga bisita. Napalingon tuloy sa akin si Alpha Ashton.

Umiling si Jack saka humarang sa harapan ko.

"Alpha Evren," untag ni Alpha Ashton.

Nakuha niya ang atensyon ng isa na agad nanlaki ang mga mata. "A-Alpha..." Yumuko siya kasama ang iba bilang respeto.

"I am Alpha Ashton Fort of La Luna Pack. This is my Beta, Mars Benedict Chasseur, and his mate, Ley Anne Evergreen. My children, August and Akivel. Ley Anne's brother, Ash Blake," pakilala niya sa mga kasama.

Napatitig sila sa mga kasama ni Alpha.

"Some of them are vampires," tila naguguluhang sambit ni Evren. "Your daughter is a vampire. The Beta's mate is a vampire and an Evergreen."

Embracing the Burning PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon