Ang plano kong umuwi kinabukasan ay hindi natuloy. Everyone around me was mourning for the death of a legend and was also celebrating for the birth of a goddess. They were busy, and I didn't want to disturb them first.
“Miss Avar—”
“I told you to drop the formalities, Jupiter,” naniningkit ang mga matang putol ko sa sasabihin niya.
Napakamot siya ng batok. “Ate Aurora na lang. Anyway, tara sa labas. Hinahanap ka ng iba.”
“H'wag mo akong inuuto, Jupiter. Walang nakakakilala sa akin dito,” angal ko.
Umiling siya. “Ah-ah. Diyan ka nagkakamali. Kilala ka na ng buong pack, ‘no. You're Kuya Ash Blake's mate. Of course, you're recognized.”
I can't help but roll my eyes. “I'm going home after this. Ayaw ko lang silang pakialaman muna dahil nire-respeto ko ang nararamdaman nila. Kailan daw ang libing ni Ma'am Fiona?”
Naging malungkot ang ekspresyon ni Jupiter.
“They're having a public view in the academy right now. Gusto nilang ilibing ang katawan ni Tita bukas.” Pabagsak siyang umupo sa tabi ko sa gilid ng kama. “Hindi ko naman kadugo si Tita Fiona pero parang sinasaksak ang puso ko nang ilang beses sa pagkawala niya. Alam mo ba? Siya ang nag-udyak sa akin na pumasok sa Magestics Academy kahit na hindi ako Pouvoirer. Para raw mahasa ako. Sayang daw kasi ang potensyal ko.”
Mapait siyang ngumiti. “Siya rin ang nag-e-ensayo sa akin dati noong hindi pa siya buntis. Dahil nga mate ni Kuya Mars si Ate Ley Anne, madalas ako sa kanila. Sobrang bait ni Tita. Maalagain, masayahin, pero strikto. Kwento rin sa akin ng mga tropa ko sa academy, sinakripisyo niya ang kan'yang pakpak para sa kapayapaan ng lahat. Kaya nga maraming humahanga sa kan'ya.”
“She's a great person, you know. Malaking kawalan hindi lang para sa amin ang pagkawala ni Tita Fiona, pati na rin sa Vampire at Magic World. She was like the soul of those two worlds. Kahit nga rito sa pack ay minahal siya,” dagdag pa niya.
My heart ached for their lost. Hindi ko man siya nakausap, alam kong mabuting tao ang ina ng mga McKnight. I remember how she smiled at me before closing her eyes. It was as if she was telling me to take care of his son.
Ma'am Fiona, what do I have to do?
“How is Blake?” I asked Jupiter after a few seconds of silence.
He heaved a sigh. “He has not been leaving the side of his mother. Kahapon pa siyang walang ligo, bihis, at kain. Ayaw naman namin siyang pilitin.”
An unwanted feeling of worry crept into my heart. My wolf was pacing back and forth and was telling me to go to her mate.
No. We have nothing to do with him.
Really, Amaranthine?
“Kaya nga kita pinipilit palabasin dahil baka mapakiusapan mo si Kuya na magpahinga muna. Nandoon naman sina Ley Anne at Ate Ashley,” dagdag pa niya.
“And why would you think he'll listen to me?” I asked.
“Duh? Dahil ikaw ang mate niya?”
“Kahit na. Hindi naman ibig sabihin no'n ay susunod siya sa akin dahil lang mate niya ako.”
“Hindi dapat nila-lang ang pagiging mate niya. At saka, sigurado akong susunod siya sa ‘yo kapag ikaw ang kumausap sa kan'ya,” pangungulit pa ni Jupiter sa akin.
Napabuntonghininga ako. Last na ‘to.
“Tara. Puntahan natin siya,” ani ko.
Agad siyang tumayo at ngumisi sa akin. “Ayon. Tara!”
BINABASA MO ANG
Embracing the Burning Passion
FantasySLOW UPDATES | COMPLETED Ash Blake Evergreen McKnight, a vampire-God, was thrilled when he met the new talk to the town "visitor" of La Luna pack. Aurora Amaranthine Avar. With triple A in her name, a new-found hybrid raised in Mortal World, a feist...