𝐊𝐡𝐞𝐚𝐧𝐧𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕"Malapit na pala ang Intramurals. Naeexcite na tuloy ako." rinig kong sabi ni Ely.
Hindi ako masyadong maka focus sa ginagawa ko dahil sa ingay niya. Kanina pa siya nagsasalita ng kung anu-ano pero d ko rin naman maintindihan dahil d ko naman talaga pinapansin.
"Khea, antahimik mo," napatigil ako sa ginagawa dahil bigla niya ako nilagyan ng icing sa mukha. Kasalukuyan kasi kaming nagbe bake ng cake dahil weekend naman.
"Ang ingay mo nga eh. Kita mong naka focus ako sa ginagawa ko. Pag d ko na perfect ang timpla nito, ikaw ibe bake ko tamo!"
"Hindi na nga. Tss!"
Bumalik na siya sa ginagawa kaya nilagay ko na sa lalagyan ang na mix ko na. Siya naman ay abala sa pag-separate ng yolk sa white dahil 'yon ang utos ko sa kanya.
"Sorry, i'm late!" napalingon kami pareho ni Ely kay Dustine na kakapasok lang. May dala-dala siyang plastic na puno ng chichirya.
"Buti naman dumating ka. Kanina pa natutuyo ang lalamunan ko kakausap sa sarili kong bano ka." sabay simangot ni Ely.
Bahagya namang ngumiti ng nakakaloko si Dustine dahil alam niyang hindi ko pinapansin tong isa. Panu ba yan, tamad ako magsalita eh.
"Ang ingay mo naman kasi. Kahit sino magsasawa talagang kausapin ka. Para kang radyo na d napapagod." dagdag niya pa.
"Ewan ko nga sa inyong dalawa!"
Pareho kaming natawa ni Dustine dahil nakasimangot na si Ely. Saming tatlo, siya 'tong madalas mapikon kaya ansarap asarin ng paulit-ulit.
"Ako na maglalagay niyan sa oven!" presenta ni Dustine.
Binigay ko na sa kanya ang bowl ng cake para maluto na ito. Bale tatlo ang ginawa ko at ang iba naman ay gagawin kong cup cakes. For merienda na rin kasi at ibibigay ko rin kay Kuya ang iba since i promised to him na pagtitibayan ko ang dream ko na gumawa ng Bakeshop someday.
𝐷𝑟𝑒𝑎𝑚 𝑏𝑎𝑘𝑒𝑠ℎ𝑜𝑝 𝑛𝑎𝑚𝑖𝑛!
"Kapagod pala neto. Pero worth it naman kahit papanu. Andami nating nabake oh," turo ni Ely sa cupcakes na nasa estante.
Inaantay nalang kasi namin na lumamig para malagyan ko na ng icing topper. Nag search na rin ako ng iba't-ibang designs na pwede kong idesign sa cake.
"You're really good in baking, do you?" tanong ni Dus. Bahagya naman siyang kinaltokan ni Ely kaya napa-aww siya ng wala sa oras.
"Malamang! Since JHS pa siya gumagawa eh. Tuleg ka talaga!"
Napailing nalang ako sa bardagulan nilang dalawa. Kahit papaanu, kahit napag iwanan ako, i'm still thankful that i have this two. Ok na ako sa trio na meron ako.
***
"Yawnnnnnnn!" napatawa ako sa paghikab ni Ely. Antok na antok ang lukaret.
Panu ba naman, inabot kami ng 2 am kanina kakaantay na lumamig ang cake.
"Tulog muna ako saglit. Gisingin moko pag andito na si Ma'am ah?" tumango ako kasabay ng paghilig ni Ely sa arm chair.
Tiningnan ko muna si Dustine na naka cross arm at may nakasalpak na earphone sa tenga. Mukhang inaantok rin siya pero ayaw lang ipahalata. Halos hindi na kasi siya makatulog dahil sa kalokohan ni Ely...i mean kaming dalawa pala. Panu ba kasi, may dala-dala ang loko ng Redhorse. Buti nalang d kami nahuli nina Mama.
Hindi naman nagtagal ay dumating na si Ma'am. Entrepreneurship ang first period namin dahil nalipat sa second si Kuya which is siya ang nagha handle ng Oral Com at Gen. Math namin. Kakaiba kasi ang IQ ni Kuya, hindi ko maabot.
"Ok class, i would like to announce that we're having a Writing Contest. Anyone who's willing to join, kindly pass your pieces to Mr. Rousseau. He's the School Publication's Editor-in-Chief. Have a nice day!"
Nagtinginan kami ni Ely. She knows how i love writing kaya ako agad ang una niyang nakita.
"Btw, magpalista na pala kayo kay Deceryl. Saka nalang kayo magpasa ng pieces niyo!" dagdag pa ni Ma'am.
Gustong-gusto kong sumali pero may problema. Wala pa akong lakas ng loob para harapin ulit siya. Hindi ko pa kaya!
"Sasali ka ba?" alanganin akong tumingin kay Ely.
Nahagip naman ng mata ko si Dustine na para bang inaantay niya ang magiging sagot ko. Hindi ko rin kasi alam. Undecided ako!
"H-hindi ko alam, Ely,"
"Sumali ka na! Ang galing mo kaya magsulat. Paniguradong mananalo ka niyan!"
"Undecided!"
Napabuntong-hininga ako. Aaminin ko, proud ako sa sarili ko na nakakalikha ako ng mga kathang-isip lamang. Pero sa Wri-Con na to, mukhang hindi kathang-isip ang magagawa ko. Baka dito ko na mailabas ang totoong sama ng loob ko, sa paraan na ako lang ang makakagawa.
"It's your time. Join the Wri-con!" si Dustine.
Hindi man niya ako tinapunan ng tingin, alam kong seryuso siya sa sinabi niyang 'yon.
"Kheanna, sasali ka ba?" nalipat ang tingin ko kay Deceryl na ngayon ay nasa harap ko. Nakangiti pa siya habang hawak ang notebook at ballpen.
"A-anu kasi-..." naputol ang sasabihin ko dahil biglang sumabat ang iba pa naming classmates.
Halos lahat na pala sila nakatingin na sakin. Susme wala na akong takas neto kung ganun?
"𝑆𝑎𝑙𝑖 𝑘𝑎 𝑛𝑎, 𝐾ℎ𝑒𝑎. 𝑆𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑙𝑒𝑛𝑡 𝑚𝑜!"
"𝑂𝑢 𝑛𝑔𝑎. 𝐺𝑎𝑙𝑖𝑛𝑔 𝑚𝑜 𝑔𝑢𝑚𝑎𝑤𝑎 𝑛𝑔 𝑠𝑡𝑜𝑟𝑖𝑒𝑠 𝑒ℎ
"𝑃𝑎𝑔𝑘𝑎𝑘𝑎𝑡𝑎𝑜𝑛 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑡𝑜 𝑝𝑎𝑟𝑎 𝑚𝑎𝑘𝑖𝑙𝑎𝑙𝑎 𝑠𝑎 𝑤𝑟𝑖𝑡𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑑𝑢𝑠𝑡𝑟𝑦"Napahilamos ako ng mukha. Kahit pala walang mga pake at marites tong mga classmates ko, mga supportado naman pagdating sa mga academic activites.
"Ano ililista ko na ang pangalan mo dito, Khea ah?" tumango-tango nalang ako bilang tugon. Pero d ko pa rin maiwasang kabahan. Panigurado kasi na face to face ang pagpasa ng piece sa Editor-in-Chief na walang iba kundi si Sean. Ang hinayupak at walang modo kong ex.
"Pagkabigay mo ng piece mo, alis ka agad para d ka na naman ma starstruck sa asungot mong ex na 'yun." nakapoker face na sabi ni Ely.
Hindi ko naman siya masisisi kung bakit galit din siya dun. Halos kasi magwala ako dahil sa heartbreak na dinanas ko. Sa trauma na hindi ko alam kung kelan hihilom.
YOU ARE READING
Sideway of Chances ( High School Series 1 )
Teen Fiction-COMPLETED- "Once is enough, twice is too much and thrice is over" Yan ang paniniwala ni Kheanna. She was left-behind by a person whom she thought her endgame. As the process continues, Kheanna convinced herself to move forward and heal on her own...