CHAPTER 11: Representative

239 7 0
                                    

𝐊𝐡𝐞𝐚𝐧𝐧𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕

Palabas na ako sa gate ng matanaw ko ang pamilyar ng kotse. Nakatayo d kalayuan ang taong kanina pa yata nag-aantay sakin.

"What took you so long? I've been waiting here for 20 minutes." nakasimangot niyang bungad sakin. Sino ba kasi nagsabing sunduin niya ako at antayin?

"Wow ha? As if naman sinabihan kitang sunduin ako at antayin dito?"

"Have you check your phone?" tumaas ang kilay ko. Kinapa ko agad ang bulsa ko pero walang selpon na nakalagay. Oh hindi, nasa kwarto pa yata.

"H-hindi eh. Naiwan ko yata sa kwarto."

"What?"

Hindi na siya nakareklamo pa ng kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay. Dire-diretso akong pumasok sa kwarto at ayun nga ang selpon ko, payapang nakahilata sa taas ng libro.

𝑆𝑜𝑟𝑟𝑦 𝑘𝑢𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑙𝑖𝑚𝑢𝑡𝑎𝑛 𝑘𝑖𝑡𝑎 𝑠𝑡𝑖𝑡𝑐ℎ𝑎𝑠𝑒.

Niyakap ko agad ang selpon ko at hinalikan si Stitch. Siya kasi ang nasa case ko eh.

Lumabas din ako agad at sumakay na sa kotse ni Dustine. Hindi na siya nag-abala pang intindihin ang kakuparan kong kumilos hanggang sa makarating kami sa parking lot.

Maging paglabas ng kotse, wala siyang imik. Diretso lang siya ng lakad papasok ng campus kaya sumunod nalang ako. Aba't siya nga tong may kasalanan sakin, siya pa yung may ganang magtampo? Ibang klase talaga.

"Anyare na naman sa inyo?" hindi ko pinansin si Ely at dire-diretso lang sa upuan ko. Ang ibang kaklase ko ay nakatingin rin sa gawi ko pero binalewala ko nalang yun at sinubsob ang mukha ko sa armchair. Wala akong oras para sa mga chismis nilang wala namang kwenta.

"Khea, sagutin mo ako. Babatokan kita!" banta ni Ely kaya umangat ako ng tingin.

"Ano? Inaantok ako eh,"

"Anyare sa inyo ni Dustine? Hindi pa kayo bati?"

"Panu kami magbabati eh d naman kami nag-away?"

"Ou nga pala hihi. Yung sa ano...yung kay-..." hindi na natuloy ang sasabihin niya dahil pumasok na si Kuya. Oh no, siya nga pala ang first period namin ngayon.

"Malapit na ang Intramurals. Kailangan niyo ng maghanda ng representatives," panimula niya.

Nagsi- YES naman ang mga kaklase ko at mukhang excited na sila para sa event. September na nga pala at hectic sched na naman.

"Sir, may pageant ba na magaganap?" biglang tanong ni Sandra na ginatongan rin ng iba.

"Meron! Start na ng listing para sa mga representatives. You only have 2 weeks preparation."

2 weeks lang? Ang ikli naman.

"So, let's start?" tumango naman ang mga classmates ko kaya nagsulat na si Kuya sa board ng sports na sasalihan.

2 beses lang pwede sumali sa sports. Means, pag sumali sa basketball at volleyball, hindi na pwedeng sumali sa iba pa.

Marami naman ang may skills sa strand namin pagdating sa larangan ng sports. Si Dustine ang ginawang Team Captain sa basketball boys at si Megahn naman sa girls. Si Ely naman ay sumali sa Badminton pati volleyball kasama nina Jelyn at Antonette. Ako? Wala! Wala akong sports na masasalihan dahil wala akong skills na ganun.

"Sir si Kheanna po sa Truck & field. Kulang kasi." sabat ni Marjorie.

Lumipat agad ang tingin nila sakin na para bang inaantay kong papayag ako o hindi. Mga ulolens hindi ako pwede sa larong yan.

"She's not capable for that. We all know that Kheanna has heart failure!" pagtatanggol sakin ni Dustine.

"Ou nga. Baka 2 meters palang mawalan na 'yan ng malay." dagdag naman ni Shiela.

Maging si Kuya ay hindi rin pumayag. Syempre, mas alam niya yun kesa sa iba.

"I'll assign you as the representative of Ballroom Dance. You can be a muse for our basketball team if you want." sumimangot ako dahil sa sinabi ni Kuya. Hindi ko pangarap maging dancer sa ballroom.

"Ku...este Sir pwede iba nalang? D ko bet maging dancer." reklamo ko.

"Sir, si Sandra nalang. Magaling naman siya eh." si Megahn. Epal talaga ang babaeng to sa buhay ko.

"Sandra's already the representative of Modern Dance and Pageant. Hindi pwedeng sa kaniya nalang lahat kung meron namang iba." napahiya ata si Megahn sa sinabi ni Kuya kaya sakin niya binaling ang irap.

Natapos na ang listing ng mga representatives. Magsisimula na raw bukas ang practice kaya for sure, hindi maganda ang magiging flow ng class namin lalo na't halos karamihan ay kasali. Bawal daw kasi ang walang ambag sa event kaya pressured ang ibang gaya ko na walang skills sa event na to.

"Favoritism kasi porke kapatid. Hindi naman siya bagay maging representative ng Ballroom." parinig ni Megahn.

"Tumigil ka nga. Baka nakakalimutan mong defendant champion yan. Isa pa d ko rin kaya ang Ballroom. Modern ou pwede pa," si Sandra.

Naka circle ang chairs nila kasama nina Jelyn at Antonette at halata naman na ako ang pinag-uusapan. Batohin ko kaya to ng nuclear bomb para maghiwa-hiwalay sila?

"Hayaan mo na, Megs. Mas alam ni Sir ang ginagawa niya." si Antonette.

"Ayaw mo lang yata kay Kheanna kasi gusto mo ikaw. Halata naman kasi na gusto mong maging partner si Devone!"

Sabay-sabay kaming napalingon kay Divine na nakapameywang. Matalim ang tingin niya kay Megahn na nagulat rin sa sinabi ng isa.

"Saan mo naman nakuha 'yan? Hindi ako kulang sa pansin." depensa niya.

"Talaga? So ang pagpapa-cute mo sa kanya hindi papansin? Ayaw niya sayo, pero ikaw tong attention seeker!"

"DIVINE MALFORRI!" sigaw ni Devone kasabay ng paghila sa kapatid.

"What? Totoo naman eh. Ayaw niya kay Kheanna kasi gusto niyang siya ipartner sayo. Posteng trying hard sa pagsayaw, pabida sa classroom hindi naman matalino!" parang bomb na bigla nalang nag-explode ang mga binitawan ni Divine.

Lahat kami nagulat. Sa sobrang tahimik ng magkapatid este kambal na to, hindi mo aakalain na may hinanaing na pala ang isa sa kanila. Malas kasi kay Megahn pa.

Nagsitayuan ang mga boys para pigilan si Megahn. Bigla nalang kasi tumayo para sana sabunotan si Divine kaso mabilis na pumagitna si Devone. Ay hala, why naman ngayon ko lang narealize? Megahn has a crush on Devone? Legit pa to sa chismis ni Ely.

Sideway of Chances ( High School Series 1 )Where stories live. Discover now