𝐊𝐡𝐞𝐚𝐧𝐧𝐚'𝐬 𝐏𝐎𝐕
Walang sinuman ang nag-open pa ng topic about kay Megahn at Devone. Dahil sa gulong yun, muntikan pa silang ipatawag sa guidance kung d lang si Dustine ang pumagita at Jelyn. Of course, responsibility ni Jelyn yun dahil siya ang President.
"Khea, may practice na daw mamayang hapon sabi ni Ms. Atendido. Mukhang walang matinong class." si Ely. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon galing sa Canteen.
"2 weeks nalang kasi ang natitira para sa practice. Malamang rush hour na naman."
"Sinabi mo pa!"
Nagpatuloy kami hanggang makapasok ng room. Inilapag ni Ely ang bote ng C2 sa harap ni Dustine na ako mismo ang bumili. Taka naman siyang lumingon.
"What's this?" tanong ni Dustine na inirapan ni Ely. Umaandar ang kamalditahan nitong isa.
"C2 hindi ba obvious? Bulag ka na?" nakarinig naman ako ng mahinang "tss" mula sa kaniya bago nilagay sa gilid ang C2. "...inumin mo yan. Binili ni Kheanna sayo yan tapos igigilid mo lang?"
Wala siyang nagawa kundi buksan ang C2. Hinayaan ko nalang sila ni Ely na mag-bardagulan at tinutok na ang atensyon sa board. Masyadong pabalik-balik ang lesson namin mula pa nung isang araw. Naboboring na ang utak ko sa mga pinagdi-discuss ng mga teachers namin.
Hanggang last period ay ganun pa rin. Nag quiz lang ng 1 to 10 at nag-iwan ng lecture ang teacher namin sa Science.
"Tara na sa Cafeteria. Nagugutom na ako eh." aya ni Ely. Tumango naman ako at niligpit na ang gamit.
"Dustine, you'll come with us!" tawag ko. Inaayos niya na kasi ang gamit at mukhang may balak umuwi.
"No! I'm going to fetch Dehisce. I'll be back before 1 pm."
Tumango nalang ako sa kanya at sabay-sabay na kaming lumabas ng room.
Siya papuntang parking lot at kami naman ni Ely sa Cafeteria. Umorder lang kami ng kanin at chicken curry na ulam pati juice.
"Sa stadium ang diretso natin. Dun daw magpa-practice ang mga dancers." putol ni Ely sa katahimikan.
Walang gana akong tumango sa kanya at sinubo ang natitirang pagkain. Ininom ko na rin ang juice bago niligpit ang kalat.
"Hi, Kheanna!" kusa akong napalingon sa pinanggalingan ng boses. Kunot noo ko siyang tiningnan na ngayon ay malapad na nakangiti sakin.
"H-hello?"
Mabilis niya akong sinunggaban ng yakap. Gulat na gulat ako sa ginawa niya. Maging si Ely ay natulala sa nakikitang posisyon namin.
"M-Mikko, hindi ako makahinga. Shutangina ka!" mabilis naman siyang bumitaw at hinila ang upuan bago tumabi sakin.
"Damn, i miss you, Bae!" napangiwi ako sa sinabi niya maging si Ely.
Inilibot ko ang paningin ko at kita ko ang mga bulungan ng mga estudyanteng andito ngayon sa Cafeteria. Mga marites tong mga to.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Inayos niya muna ang uniform niya at buhok bago sumagot.
"May pina-pirmahan lang ako sa principal niyo."
"Ano naman? Don't tell me magta-transfer ka dito?" natawa naman siya sabay hi kay Ely na nakataas ang kilay.
"Malamang hindi. Something important lang."
"Ganun ba?"
"Yep!" bigla siyang tumayo at aamba na naman sana ng yakap kaya hinarang ko na ang kamay ko sa harap niya. "What? Namimiss kita eh bakit bawal akong yumakap?" nagmamaktol niyang tanong.
YOU ARE READING
Sideway of Chances ( High School Series 1 )
Teen Fiction-COMPLETED- "Once is enough, twice is too much and thrice is over" Yan ang paniniwala ni Kheanna. She was left-behind by a person whom she thought her endgame. As the process continues, Kheanna convinced herself to move forward and heal on her own...