Kheanna's POV
"You filled my day with so much happiness. Thankyou for the effort, Kheanna!" ani Sean.
Nasa roooftop kami ng bahay nila. Umalis kami sa kumpolan ng mga bisita sa loob dahil masyadong maingay lalo na't may videoke na nirentahan para hindi boring.
"You deserve happiness. Alam mo naman na 'yun ang gusto ko para sayo diba?" tumango siya at tumingin sa city lights na nasa harapan namin ngayon.
Sumandal ako sa barindilya. Malamig ang hangin ngayon dahil alas-dyes na ng gabi. Sa baba ay makikita sina Ely na nagsasaya. Ang iba naman nasa pool naliligo dahil pinayagan ni Tita Velorina na gamitin 'yun.
"I wonder what would happen if Dustine pursue you. If ever you give him a chance to prove himself. Perhaps, i'll lose my sanity!"
Napatingin ako sa kanya ng seryuso. Alam niya siguro o nakikita kung paanu ako tratuhin ni Dustine noong hindi pa kami okay. Na kahit wala lang sa'kin ang actions ni Dustine, alam niyang may malisya iyon.
"Ayokong gumamit ng iba para mag-move on. Despite the fact that he's willing to become a willing rebound, i won't took advantage of it, if it only means ruined friendship. Mahalaga siya sa'kin, samin nina Ely. You know, boy bestfriend thing." paliwanag ko.
Humugot siya nang malalim na hininga at niyakap ako. Amoy na amoy ko ang pabango niyang nanunuot sa nostrils ko. I'm starting to get addicted with his scent.
"I know! But still, i couldn't imagine you having an affair with him. Wait for me to prove my words. I won't let you down again, Kheanna!" sabay halik niya sa noo ko.
Tila nabigyang buhay ulit ang natutulog na paruparo sa aking tiyan. Nagsasaya sila dahil sa pagbabalik ng taong minsan silang binuhay sa kaloob-looban ko. It's no other than but Sean. Siya ang nagbibigay buhay sa katauhan ko.
"Let's get inside? Malamig na dito sa taas. Baka magkasakit ka ulit,"
Nag-nod ako sa kanya at hawak kamay kaming bumaba. Sa main hall kami dumiretso at naabutan namin sina Tita Velorina na kausap sina Mom. Nagtatawanan ang dalawa habang sina Dad at Tito Shawn ay nakikinig lang.
"Mom, where's Kuya and Klyde? Kasama ba sila?" tanong ko nang makalapit.
Tinuro naman nila si Kuya na nakaupong mag-isa sa isang table. Nagseselpon habang may hawak na wine glass.
"Nasa loan si Klyde kasama sina Dustine. You can join them," aniya.
Tinungo ko ang loan. Nakasunod sa likod ko si Sean. Naabutan ko ang scenario na halos malagutan ako ng hininga kakatawa. Ang mga loko, naghahabulan habang may icing sa kamay tapos nagkatumba-tumba na.
"Gago naman, Pre. Anlaki mong tao pero bundol ka!" si Christian.
"Tarantado. Ikaw nga lampa eh!" si Devone.
Nagsitawanan sina Hiro at Klyde dahil sapol sa mukha ang dalawa ng icing. Ang kababaihan naman ay bagsak na sa damuhan kakatawa.
Sana kaya ko ring maging masaya ng sobra gaya nila.
"Nagsisihan pa kayo. Pareho naman kayong lampa eh," si Dustine na nilagyan ulit sila ng icing na nakalagay sa styro plate.
YOU ARE READING
Sideway of Chances ( High School Series 1 )
Novela Juvenil-COMPLETED- "Once is enough, twice is too much and thrice is over" Yan ang paniniwala ni Kheanna. She was left-behind by a person whom she thought her endgame. As the process continues, Kheanna convinced herself to move forward and heal on her own...