Meet Kheanna "Amazona" Saavedra
PS: Siya ang napili ko as portrayer ni Kheanna since the other characters around like Ely, Dustine, Alessia and Sean had their own portrayer too. Medyo pasok kasi siya sa personality and looks ng Khea natin kaya i choose her.
Kheanna's POV
"Is everybody here?"
Wika ni Ms. Atendido sa megaphone. Narito kami sa parking lot ng school para magtipon-tipon bago pumunta sa beach. Kanya-kanyang dala ng gamit bawat isa samin.
"Hindi pa, Ma'am. Sabi ni Sir Saavedra, isasabay daw ang Editor-in-Chief ng school Pub." sabi ni Chan na nagpatigil ng mundo ko.
Ilang beses akong kumurap. Patuloy na ni-proseso ng utak ko ang narinig mula kay Chan. Bakit kasama siya?
"Oh yeah! Rousseau will attend a meeting there. Antayin nalang natin sila."
Nabalik ako sa huwisyo ng kalabitin ako ni Ely. Nakataas ang kilay niya habang nginunguso ang dalawang tao na papalabas sa gate ng school.
Si Kuya at Sean!
"Pwede naman siyang gumamit ng sarili niyang sasakyan o mag-commute, bakit dito pa siya sasabay?"
"Tanungin mo!"
"Ay bakit ko tatanungin? Ano siya gold?"
"Hindi! Walang modong kumag 'yan eh."
"True!"
Inirapan ako ni Ely kaya sinimangotan ko siya. Kung ungosan niya ako, parang akala niya alam ko kung bakit kasama si walang modo na kumag dito sa bus.
"Aalis na tayo! Rousseau, dun ka nalang sa likod maupo!"
Ilang beses akong napalunok. Nang magtama ang paningin namin ay agad akong umiwas. Tinuon ko sa ibang direksiyon ang tingin.
"Can i sit here?" tanong niya na nagpakaba ng dibdib ko.
Si Ely na mismo ang sumagot. "May vacant seat naman dun sa gitna. Bakit diyan ka pa sa tabi ni Kheanna?"
Tiningnan ko si Ely. Nakataas na naman ang kilay niya. Pinili ko kasi ang seat dito sa hulihan since maluwag. Siya naman ay nasa harapan ko lang tapos si Dustine nasa kabilang side katabi ni Devone. Parang wala siyang pake sa nangyayari dito sa hulihan since may nakasalpak na earphone sa tenga niya at neck pillow.
"There were 50 seats in this bus. 30 has been occupied. Ms. Atendido and Kuya's seat are exempted for counting. Where i'm sitting right now is not counted also, means, out of 50, 20 seats are left. So, why not choose one of those seats?" nagmukha na akong d nag G2 sa counting explainations ko, hindi lang siya maupo sa kung nasaan ako ngayon.
YOU ARE READING
Sideway of Chances ( High School Series 1 )
Novela Juvenil-COMPLETED- "Once is enough, twice is too much and thrice is over" Yan ang paniniwala ni Kheanna. She was left-behind by a person whom she thought her endgame. As the process continues, Kheanna convinced herself to move forward and heal on her own...