CHAPTER 32: Sorry

153 1 0
                                    

Kheanna's POV

"Alam mo pala. Pero bakit hinayaan mo'ng saktan ka niya? Hindi ka naman siguro ganun ka-desperada diba?" tanong ko.

Patuloy ang kanyang paghikbi. Maging ako ay hindi ko na napigilan ang pagiging emotional. I felt pity for her.

"I am a desperate lover, Kheanna. And that's the most stupid trait i possessed," she wiped her tears. "Being desperate to have someone i can't have in the first place is foolishness. That's why, i am a fool, for hoping that Sean would love me the way he loves you!"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya. I am overwhelmed. From Dustine to Alessia, hindi ko na alam kung saan ang dapat ko'ng unahin. Should i believe her? Dapat ko rin bang alamin ang side ni Sean sa lahat ng pangyayaring ito?

"I am not forcing you to believe my words. But please, would you rather give him a chance to explain? Please listen to him, Kheanna!"

Nilingon ko siya. "Kung mahal mo bakit hindi mo ipaglaban?" i asked.

"Bakit ko ipaglalaban kung una palang talo na ako?"

"Alam mo palang talo ka na pero bakit ka pa sumugal? Bakit mo hinayaang saktan ka niya habang may minamahal siyang iba? You owned his physical self but his soul and heart belongs to someone else."

"Because love is about risking," lumakad siya ng kaunti at tumingala sa langit. "I took the risk. Nagbaka-sakali ako na baka ibaling ni Sean ang pagmamahal niya sa'kin. Na sa pagsugal ko ay makalimutan ka niya. Pero hindi eh. I loved him one-sided. Habang siya, ikaw pa rin ang mahal at alam ko'ng ganun ka rin." ngumiti siya sa'kin at kinuha ang bag niyang nasa stand ng swing.

"Ibabalik ko na siya sayo. I'm sorry for getting him the way i wanted. Siguro, masaya na rin ako sa kunting panahon na naging kami. Atleast, naranasan ko'ng mahalin ng isang Sean Axle Rousseau. I'm signing off now as a villain of your love story!"

Hindi na niya inantay pa ang sunod ko'ng sasabihin. Mabilis siyang tumalikod kaya napaupo ko sa kawalan ng lakas. Ipinatong ko ang baba ko sa tuhod at umiyak. Masyado nang magulo ang lahat. Hindi ko na maintindihan.

She loved him one-sided and took the risk while i couldn't. Hindi ko kayang mag-take risk para sa pagmamahal na makasarili. Hindi ko kayang magbaka-sakali para takasan ang sakit na dinanas ko. Na maibaling sa iba ang atensiyon at gamitin iyon para kalimutan siya. That's a stupid choice. I would rather choose to get used of pain than using other people as healer and coping mechanism to move on.

Nagpahid ako ng luha at pinagpag ang palda ko. Lumabas ako sa garden at dumiretso sa Cafeteria na parang walang nangyari. Naabutan ko pa si Dustine na nakatunganga lang sa harap ng pagkain niya habang si Hiro ay nilalantakan ang kinakain.

"Glad you're back. Where have you been?" bungad ni Dustine.

Kinuha ko ang bottled water sa mesa at ininom. "Ah, may pinag-usapan lang kami ni Alessia. Oh siya, bakit hindi ka pa kumain? Hindi ko naman dala ang pagkain para mag-antay ka ah?" tumawa ako.

Sideway of Chances ( High School Series 1 )Where stories live. Discover now